Chapter Thirty Three

65 7 1
                                    


Masaya ako ngayon, yes. Masaya talaga.

Hindi lang kasi si Kuya ang naka-ayos ko noong araw na 'yun. "Sesel, patawarin mo 'ko ha? Kung palagi kitang nabubungangaan dati. Nakakainis ka naman kasi, sinunog mo 'yung bahay namin." sabi niya tapos natawa siya. Ako naman ay napangiti nalang din.

"Okay lang..."

May choice ba ako? At saka nagpapasalamat nga ako dahil humihingi siya ng sorry sa pagbubunganga niya sa'kin. "Malaki ang utang na loob namin saiyo. Naisip ko na kung wala ka, paano kaya kami mabubuhay ng anak ko?" mahinahon na sabi niya sa'kin. Hinawakan niya ako sa kamay ko. Nginitian ko lang ulit siya.

"Okay lang nga Ate Jena. Hindi naman ako naniningil at maniningil. Mahal ko naman si Letlet." sabi ko.

"Si Letlet lang?" tinaasan niya ako ng kilay. Ako naman ang natawa.

"Hindi naman kita kadugo haha." sabi ko. Nagkatawanan lang kami pareho. Naisip ko naman bigla na itanong sa kanya kung paano sila nagkakilala ng Kuya ko. Bigla nalang kasi siyang dinala sa bahay ni Kuya eh.

"Ate, Paano ba kayo nagkakilala ni Kuya?" tanong ko sa kanya.

Hindi kaagad siya sa'kin nakasagot. Parang nag-iisip na muna siya. "Ang unang pagkikita namin, hmm..mga sixteen siguro ako." sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Taga-Bulacan ka rin?" tanong ko. Umiling siya. Nu'ng seventeen kasi si Kuya ay malamang nag-aaral pa rin siya sa probinsya namin. Matanda lang naman ng isang taon si Kuya kay Ate Jena.

"Tumira lang ako ng dalawang buwan doon. Nakilala ko si Raven pero hindi naman kami naging magkaibigan. Ang sunod na magkita kami ay dito na sa Maynila." sabi niya. Napatango-tango naman ako sa kuwento niya sa'kin. Sinabi niya pa sa'kin na napagkamalan niya raw si Kuya na magnanakaw ng cellphone tapos doon na nagsimula ang love story nila.

I asked her if she really loves him. Tumango naman siya. Mahal na mahal niya raw. Dahil kung hindi, may anak man sila o wala hindi sila magsasama. Nu'ng oras na 'yun. Sobrang lumanay lang ni Ate Jena.

We're talking about love at hindi ko maiwasang isipin si Zale. I missed him. Nami-miss ko na ang mga yakap niya tuwing gabi. Iyong mga kiss niya. Iyong amoy niya, lahat nami-miss ko. Parang gusto ko naman na tuloy na umuwi sa bahay naming dalawa. Pero ang kabilang parte ng utak ko ay nagsasabi na 'wag na akong bumalik.

Na hindi ko na siya balikan kasi lalo lang magiging kumplikado ang buhay ko. Nagsinungaling pa rin siya sa akin na siya pala si Raprap, matatanggap ko pa sana kung hindi niya alam na ako si Billie o Sesel kung ano man ang gusto niyang itawag sa akin.

Nakakainis talaga siya sobra. Pero sabi ko kapag pinatawad niya si Tita Cha. Uuwi na ako sa kanya, gusto ko naman na talagang umuwi sa kanya.

I love him.

Maybe nagawa niya lang talaga ang mga bagay na 'yun dahil literal na natakot siya.

So kapag tinawagan niya ako at sinabing maayos na sila ni Tita Cha. I swear, gusto kong maayos namin ito. Pupunitin ko sa harap niya 'yung may expiration date na kontrata, kung mahal ko siya at mahal niya ako wala ng ganu'n ganu'n.

Ang daming ka-echos-an ng taong mahal ko.

Kung tatanungin ako kung sino ang mas mahal ko sa dalawa. Si Raprap o si Zale?

Buwiset.

Ang gandang tanong ha? Bakit ba nauso pa ang mga tanong? Ang bobo ko naman siyempre para magkaintindihan ang mga tao. Lahat ng tanong may sagot, pero hindi lahat ng sagot may tanong. #Genius101

Kalokohan.

Lahat ng tanong ay may sagot kung sasagutin ng maayos. And I...thank you! Lol.

Hindi nga lahat ng tanong may sagot e. May mga bagay kasi sa mundo na hindi natin maiintindihan, hindi rin masasagot kung bakit nangyayari ang gan'to o gan'yang bagay sa buhay mo.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon