Chapter Twenty Five

64 9 0
                                    


Sarah Belinda....

Nagkataon nga lang ba na pareho kami ng second name or may iba pang dahilan? Masyadong nakakabaliw ito, hindi ko na alam. Bakit ko nga ba masyadong iniisip ito?

Siguro'y dahil dito. Kasama ko si Zale at si Sarah papunta kami sa baba para puntahan iyong sinasabing adoptive mother daw ni Zale, hindi ko maintindihan kung bakit ako medyo kinakabahan.

Sabi kasi ni Zale ay kilala raw ako ng adoptive mother niya, eh kung taga-Bulacan sila ay malamang sa malamang ay kilala ko rin 'yung nanay niya pero wala akong matandaan na tao na maaring siya.

Kung kilala ako ng adoptive mother niya, dapat kilala ko rin si Zale kasi doon daw siya pinanganak at nagka-isip so sino? Teka? Anong sino? Sino si Zale ganern? Hindi ko siya matandaan! Edi sana noon ko pa siya nakilala 'diba?

B-Bakit? Bakit hindi ko matandaan?

Bakit....

Bakit pakiramdam ko, masasaktan ako rito? Or sadyang praning lang talaga ako.

Yeah, I am Kriszella Belinda Moralez, marami palagi akong tanong, may bago pa ba?

Pero sa totoo lang, kunti palang sa mga tanong na 'yun ang nasagot at natanggap ko ang sagot. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Bakit ba kasi umabot ako sa ganito?

What if hindi ko hinalikan si Zale sa park sa sobrang stress ko that time? Edi sana hindi nangyayari ito 'diba?

Hindi lang naman dahil naguwapuhan lang ako sa kanya, hindi ako nag-isip kasi nga natanggal ako sa trabaho plus bumalik lahat ng mga kamalasan at kamalian ko before. I sighed.

"Kuya Zale, bakit parang nakita ko na siya before?" tanong ni Sarah kay Zale. Malapit na kami garden kung saan du'n nagaganap ang party. Maraming guest, may mga nagsisidatingan pa at saka ang lakas din ng sound system, lahat sila nagkakasiyahan na.

Bigla ko namang naalala na sinabi sa akin ni Zale na pamangkin si Sarah ng taong mahal niya. Kung ganu'n 'diba dapat Tito ang tawag sa kanya at hindi Kuya?

"Ngayon palang kayo nagme-meet." Zale answered her. He turned to me and gave me a weak smile. Naguluhan kaagad ako. Hinawakan niya ako sa beywang at tsaka hinalikan niya ako sa noo.

"May problema ba?" Kinunotan ko ng noo si Zale. Umiling siya at sinabi niya lang sa akin na mahal niya talaga ako. Kinakabahan talaga ako. Nilingon naman kami ni Sarah, tinaasan niya kami ng kaliwang kilay.

"I thought you will always love my Aunt?" Napalunok naman ako sa tanong niya. Nag-angat ako ng tingin kay Zale. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso dahil sa sinabi ni Sarah.

Parang...

I sighed.

Ngayon, iniisip ko na sana ako nalang tuloy 'yung tiyahin niya na tinutukoy niya. Bakit ba kasi ganu'n? Bakit ang gulo-gulo pa rin?

Sabi ni Zale mahal niya ako, totoo raw 'yun and base kay Nana, masasabi mo naman na mahal ka niya kung pinaparamdam niya. In Zale's case, pinaparamdam niya naman at talagang nararamdaman ko.

Para nga kaming totoong mag-asawa talaga e. He didn't force me naman na may mangyari sa amin, isang beses lang talaga, iyong muntik na. But hindi naman na 'yun naulit. Hanggang kiss lang kami. 'Ni hindi niya pa nga nahahawakan itong boobs ko.

Kapag yayakap siya sa akin every night, sa may abdomen ko 'yung braso niya at hindi niya man lang nasasagi 'yung mga ano ko. Masyado siyang maingat.

Mahal niya nga talaga siguro ako, pero bakit ayaw niya na may mangyari sa'min? Well, hindi ako ganu'n ka-immature. Alam niya na ayaw ko kaya hindi niya talaga ako mapipilit at hindi siya namimilipit. And I love him more because he respects my decision.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon