Chapter Five

96 22 1
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko rito. Napatayo naman siya at ngumisi sa akin, tangina. Ngayon ko ang unang beses na nakita ko siyang ngumisi.

"Hi, Krizsella Belinda Moralez." Napakunot ang noo ko nang sabihin niya ang buong pangalan ko. Paano niya nalaman? Tinitigan ko lang siya, ang guwapo talaga nito.

Pinahalata ko sa kanya na nagtataka ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko.Tinanong niya kaya kay Ate Jena? I shooked my head. Baka nga,

Pero bilang sagot ay bumaling siya sa pader namin habang nakaismid. Doon lang ako napangiwi, nakatingin lang naman siya sa naka-frame na diploma ko noong highschool.

I faced palm. "Ano ngang ginagawa mo rito? It's a no nga 'diba? At dancer ako sa club." Umismid din ako sa kanya. Humakbang naman siya papalapit sa akin.

"Lier." Sabi niya.

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong mag-offer siya sa akin na pakasalan ko raw siya, tapos ngayon lang ulit siya sumulpot.

Nakakagulat dahil akala ko hindi na ulit kami magkikita tapos pupuntahan niya pa ako rito sa bahay.

Pero...lier daw ako, alam niya na kaya na hindi talaga ako dancer sa club tapos ipipilit niya na naman na pakasalan ko siya?

Tangina! Hindi nga kami close! Gago ito ah, akala niya sa'kin? Easy to get?

"Ano ba talagang problema mo? Bakit ako? Ang daming babae diyan oh, sila ayain mo. Punyeta ka." sabi ko sa kanya.

"Ikaw nga ang gusto ko, wala kang magagawa." Sabi niya sa'kin.

"Meron akong magagawa!" Sabi ko. "Hindi naman ako puwedeng pumayag. Karapatan ko rin magdesisyon." sabi ko sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Bakit hindi puwede? I told you, this is just a temporary. I will talk to your mom, where is she?" Tanong niya sa'kin. Napailing-iling ako.

"Hindi nga ako papayag, kahit si Mama hindi papayag sa trip mo. Makakaalis ka na. Isipin mo nalang na dancer talaga ako sa club." Sabi ko. Napatakip ako ng bibig ko para humikab tapos tinalikuran ko siya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Papayag ka o papayag?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Ano ba? Close ba tayo, close ha? Nakakainis ka na talaga!" Pagbagsak kong binawi ang braso ko sa kanya. "Ayaw ko nga 'diba? Hindi ako papayag magpakasal saiyo! Ano ganu'n-ganu'n na lang 'yun? Hindi pa nga kita kilala tapos papakasalan na kaagad kita? Tsaka hindi naman kita mahal kaya bakit kita papakasalanan?" I hissed.

Kinunotan niya lang ako ng noo. "My name is Zale Mosley." sabi niya sa akin. "Please, marry me..." Inalis niya ang kunot sa noo niya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Wala sa sariling napalunok ako. Ang guwapo-guwapo niya lang kasi talaga. Pero Sesel, 'wag kang bibigay.

Akmang kukunin niya ang kamay ko ay agad ko itong nilayo sa kanya. "No." Sabi ko. "Umalis ka na. Hindi talaga ako papayag sa gusto mo kahit temporary lang ito. I have my own reasons and I am really sorry for that. Maraming mga babae diyan, 'wag ako." Sabi ko nalang sa kanya pagkatapos ako naman ang humawak sa braso niya at hinatak ko siya papalabas ng bahay.

"Hey, wait!" He whined. Hindi niya naman ako pinigilan sa paghatak ko sa kanya.

"Wait mo mukha mo. Ayan, uwi! I am disowning you!" banat ko sa kanya. Binitawan ko siya sa mismong tapat ng kotse niya, alam kong sa kanya 'yun, dahil ayun lang naman ang kotse na nasa tapat ng bahay namin.

Hindi na iyon 'yung Lamborghini na ginamit niya nu'ng nakita niya ako sa tapat ng school ni Letlet.

"What?" Naguguluhang tanong niya sa akin. Ang luka-luka ko talaga.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon