Chapter Twenty Four

68 9 0
                                    


I heaved a deep sigh.

Punyeta.

"As in, hindi ako makapaniwala na hindi pa rin talaga kayo nagse-sex ni Kuya Zale." bulong ni Nana sa akin. Gusto ko naman makain nalang ng lupa ngayon. Kakarating niya lang kasama si Alvara pero 'yan kaagad ang bungad niya sa'kin.

"Please, 'wag na natin pag-usapan 'yan. Darating din kami diyan, ine-enjoy na muna namin ang buhay." palusot ko nalang. Hindi ko talaga gets kung bakit kailangan ko pang sabihin na 'darating din kami diyan'. As if huhu, nakakaiyak talaga ito. May mga na-iimagine ako na hindi naman dapat.

My ghad Krizsella! Makuntento ka sa kiss.

"Tanga naman nito, mas nakaka-enj ㅡ"

"Cut it out, Nana!" singit naman ni Alvara. "'Yun ang gusto nilang mag-asawa. 'Wag natin silang pakialaman." sabi niya pa. Napabuga naman ako ng hangin.

Thank God.

Napasimangot lang si Nana. "Fine."

"Ang tagal naman ata ni Zale..." sabi ko pa. Nandito kami sa living room ng bahay na ni Tita Mina. Lahat ng ala-ala nagpa-flashback sa utak ko. Halos kasi wala namang pagbabago sa bahay na ito.

"Saan ba siya nagpunta?" tumabi sa akin si Alvara. Marami-rami na rin ang bisita at halos lahat ay mga businessman. Nandoon sila sa garden, doon kasi talaga ang party. Dinala lang ako ni Zale dito dahil napansin niya na hindi talaga ako komportable lalo na nu'ng magsalita si Tita Mina sa lahat ng mga guests. Hindi niya naman ako nakita. Makikita palang.

I smirked. If you'll ask me kung may sama ng loob pa rin ako kay Tita Mina. I would say yes, sobra-sobra na kasi 'yung ginawa niya dati...na pinagbintangan niya pa talaga ako na magnanakaw. Maybe, napatawad ko na siya kasi wala naman akong choice pero it doesn't mean na nakalimutan ko na ang lahat.

Hindi pa ako sa kanya lumalapit dahil medyo kinakabahan ako. Ilang buwan ko rin na nakasama si Tita Mina kaya sa totoo lang ㅡ Alam ko na ang ugali niya, kaya niyang gumawa ng gulo kahit na sa harap ng maraming tao o kahit birthday niya pa.

Isa siyang eskandalosa, si Julius naman ay medyo na-traffic kaya hindi pa dumarating pero alam ko na pupunta siya.

"Magkasama sila ni Zael." sabi ko. Sabi naman ni Zale ay babalik din daw siya kaagad.

"Ah ganu'n ba? Okay, samahan ka na muna namin dito." Sabi ni Nana,

"Okay lang kahit 'wag na. Pabalik naman na sila..." natanawan ko si Zale kasama si Zael na nag-uusap papalapit sa amin. "See? Nandito na sila." sabi ko pa. Nilingon naman ng dalawa ang magkapatid pagkatapos ay nagring ang cellphone ni Alvara.

"Wait, si Julius tumatawag. Baka malapit na siya." Sabi niya. She turned to Nana. "Ikaw naman, tawagan mo na si Bridgette!" Dugtong pa nito sabay tayo at lumayo sa amin bago sagutin ang tawag.

Nana rolled her eyes. "Duh, nakikipagsex pa nga 'yun." bulong n'ya pero narinig ko 'yun at narinig din nila Zale.

"Tanghaling tapat, makikipagsex? Sino 'yan? Ipapa-Tulfo po." sagot ni Zale

"Hey, you shut up." sabi ni Zael sa kapatid at siniko siya. Zale just smirked.

"Kuya Zale at Zael!" Tawag ni Nina. Hinalikan naman kaagad ni Zale sa pisngi nang makalapit siya sa'kin.

Napangiwi ako sa reaksyon ni Nana dahil akala mo naman hindi sila nagkita kanina lang. High pitch lagi ang gaga.

"Roanna, ilang beses ko bang sasabihin saiyo na maging mabait ka? Hindi natutuwa si God sa ginagawa mo. Punta ka sa simbahan sa Sunday. Mangumpisal ka, ha." Pin-at ni Zael ang ulo ni Nana. Natawa ako habang napasimangot si Nana.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon