"Kailan ba flight ng mommy mo papunta sa Pinas?"
I asked Zale. Kumakain siya ng pagkain na in-order namin sa Jollibee habang ako naman ay nagpapalaman lang sa sliced bread ko. Parang 'di ko feel na kumain ng kanin or kahit ano. Gusto ko lang ay itong tinapay. Kaya sa'kin lahat ng burger na in-order ni Zale.
Lagi lang daw siyang nag-oorder kasi nga busy siya sa palagi. But he told me that he know how to cook. Na-realize ko na hindi talaga siya maarte katulad ng ibang anak ng CEO or ang mismong mga CEO, medyo mahangin nga lang siya.
I just told myself na maging komportable ako sa kanya at isipin ko nalang na bestfriend ko siya.
"I've talked to her earlier. She told me that she's here tomorrow." sabi niya. I nodded. "Damihan mo ang kain mo, putangina." sabi niya tapos uminom siya ng iced tea. Pagkainom niya ay agad ko siyang pinakain nu'ng sliced bread.
"Minura ba kita ha? Minura ba kita?" Inis na sabi ko sa kanya.
Natawa naman siya. Akala niya siguro nakakatawa. Inirapan ko nalang siya at kumain ng kumain ng bread. "Siguraduhin mong mabait nanay mo. Susungalngalin ulit kita." sabi ko bigla sa kanya. Natigilan naman siya pero tumango nalang ulit.
"Ibang-iba siya kay Tita Mina." sabi nito. Natigilan din ako, so...alam niya? Natahimik ako tapos nagsalita ulit siya. "Last year, alam ko na may dinalang babae si Julius sa bahay nila pero hindi ako pumunta roon kaya hindi kita nakita." Sabi niya. "Pero alam ko 'yung nangyari, nandu'n 'yung kapatid ko.She told me everything." sabi niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kapatid niya? Andu'n?
"S-Sinong kapatid?" I asked.
"Si Syn." My mouth parted. Hala! May naalala nga akong Syn, 'yung pinsan ni Julius na mataray jusko.
"Tinarayan ako nu'n, dati." I smirked. Nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang kamay niya na nakahawak na sa kamay ko.
"Syn is kind. Mataray lang talaga siya sa hindi niya kilala. She's just like Mom. But knowing that you're my wife. Hindi ka nila tatarayan." He assured me but I am not convinced. Kinakabahan ako letse. Ayaw ko na ng gulo. Pero bakit panay lapit pa rin sa akin? Kakainis. Ito ba ang sinasabi ni Zale na hindi raw ako malas?
Kalokohan.
"Anong hindi? Alam ng kapatid mo na naging jowa ako ni Julius. Hindi kaya may sabihin 'yun? Like pokpok or gold digger, alam mo na." sabi ko sa kanya. Suminghal lang siya.
"They will not hurt you, lalo na kapag nandu'n ako." Sabi niya.
"Eh paano kung wala ka?" I asked.
"'Wag ka ngang praning. Hindi naman tayo titira sa bahay ng pamilya ko. Hindi mo sila araw-araw na makakasama." Sabi niya. Napaisip naman ako.
"Eh bakit din kailangan pang-umabot ng one year 'yung usapan? Inuuto mo ba ako? Eh sabi mo para lang may maipakilala ka sa mommy mo." sabi ko sa kanya.
Oh my Gosh, nagpa-uto naman ako. Ang bobo ko. Dapat naisip ko na ito noong una. Puwede naman hindi kami magkasama sa kapag wala iyong pamilya pero bakit kailangan na tumira kami sa iisang bahay?
"Bobo naman nito. Para talagang totoo at kapani-paniwala." sabi niya sa akin. Napa-facepalm ako. "Aray ko." daing niya noong sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa.
"Putangina mo, bakit pakiramdam ko may tinatago ka?" Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. Kapag umiwas siya ng tingin ibig sabihin meron nga, pero hindi naman siya nag-iwas ng tingin. Lumaban pa siya sa mga matatalim kong titig.
"Wala naman akong tinatago. Sinabi ko na saiyo. That's the truth. Patagalin lang natin ng one year iyong kasal natin. And after that puwede tayong magfile ng annulment. Tutal wala pa namang divorce dito sa bansa." sabi niya. Natahimik naman ako. "Mas acceptable iyon, sabihin nalang natin sa pamilya ko na na-fall out of love tayo at hindi na mag-wo-work...kung hindi ka ma-i-inlove sa'kin." dugtong niya nang pahina ng pahina ang boses.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...