Chapter Thirty Two

70 8 0
                                    


"Imposible! Naka-drugs ka ba?!"

Napapikit ako nang sigawan ako ng kapatid ko. "Tingnan mo nga! Obvious naman na kamukha niya si Zandra..." Pahina ng pahina ang boses ko na sabi sa kanya.

Tinawagan ako ni Kuya Raven kanina, ihatid ko na raw si Letlet sa bahay nila and I did. Sinama ko na rin si Sarah para sabihin kina Kuya ang totoo. Hindi na kailangan ng DNA test 'to at saka wala akong pambayad sa mga tests 'no. Obvious naman na pareho sila ng mata ni Letlet na kapareho ng mata ng kakambal ko.

Yeah, tama, oo, lol.

Magkaiba ang mata namin ni Zandra, medyo malaki ang eyelids niya. Sa'kin hindi, itim na itim din ang kulay ng mata niya, pero mas itim na itim 'yung mata ni Zale. Habang ako naman ay dark brown.

"Pinaglalaruan ka lang ng imagination mo." natigilan ako ng sabihin niya 'yun. "Wala na si Zeki at Zeya..." sabi niya.

"Pero wala naman tayong nakitang katawan 'diba? At saka si Raprap nga nabuhay sa aksidente eh," sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

Tss, I forgot. Hindi niya pala kilala si Raprap. "Sino si Raprap?" tanong niya. Kay mama ko nga lang ata napakilala si Raprap e. Nangyari na 'yung aksidente na hanggang ngayon ay parang nalalaglag pa rin ang puso ko everytime na maalala ko ang lahat. Kailangan ko lang ay kontrolin ang sarili ko. Nagagawa ko naman siya sa loob ng ilang taon hanggang ngayon, pero kadalasan kapag sobra na hindi ko na talaga kinakayang kontrolin. Hindi na ako makahinga kapag ganu'n.

"Ah basta." sabi ko nalang. "Kuya, sinasabi ko sa'yo ang totoo, ligtas iyong isa. Buhay si Zeya, tingnan mo nalang ang pagkakapareho nila ni Zandra." Sabi ko pa. Tinitigan niya lang ako tapos nilingon niya si Letlet at saka si Sarah na nag-uusap sa labas ng bahay nila.

Nandito kami sa bagong bahay nila na ako ang bumili. Actually, inutang ko nga kay Madam na ayaw ng pabayaran. Napaka-bigtime naman ni Madam.

"Nakita ko 'yung anak ni Zandra bago 'yung lumindol." biglang sabi niya. Seryosong-seryoso ang mukha niya, kailan ba naging hindi? Palagi talaga siyang seryoso kaya nga hindi ko man lang siya maloko-loko.

Gosh.

"May maliit na panot sa ulo si Zeya. " dugtong niya. Napakunot naman ang noo ko,

"Ha?"

Anong panot?

"Sabi ng doctor, hindi na raw tutubuan ng buhok ang parte na 'yun sa ulo niya." sabi nito. Teka, bakit hindi ko alam ito? Bakit ngayon lang nila sa akin sinabi ito.

"Bakit hindi niyo man lang sa'kin sinabi na may ganu'n pala ang pamangkin ko?" Pinanlakihan ko pa siya ng mata. Napasinghal lang naman siya.

"Nagtanong ka ba?" sarkastikong tanong niya sa'kin. Napangiwi nalang ako, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw niya sa'kin.

My Gosh, akala ko ba naintindihan mo na 'yan Sesel? Hindi ka nga kasi kagusto-gusto para sa kan'ya dahil malas ka.

Napasimangot nalang ako. Nagsalita ulit siya. "Maniniwala ako kapag nakita ko 'yun sa batang babae na sinasabi mong anak ni Zandra." Napayuko nalang ako at saka tumango. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit hindi niya talaga ako gusto.

Kuya Raven and I are really distant. 'Ni minsan hindi kami nagkatawanan. Nu'ng mga bata kami, utos lang siya sa akin ng utos, sinusunod ko naman dahil gusto kong magpa-impress sa kan'ya pero kahit anong sunod ko sa utos niya. Wala talaga. Hindi niya man lang ako napapansin.

Lagi nalang si Zandra.

Lahat kasi sila may favoritism, si Papa si Zandra talaga ang paborito niyang anak, si Mama ganu'n rin. Nu'ng nawala si Papa at Zandra ay doon lang ako napapansin ng sobra ni Mama. Dahil...Dahil ako na ang breadwinner.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon