"Tita Sesel!"
Napangiti ako nang makita ko si Letlet sa may gate. "Siya 'yung pamangkin ko." Sabi ko kay Zale. Kasama ko siya ngayon , katulad talaga ng balak ko. Gabi na rin pero mas minabuti namin na mag-uwi ng pang-dinner. Nag-usap kami ni Zale na dito nalang mag-dinner. At pag-uwi namin mamaya ay didiretso na kami sa magiging bahay talaga namin.
Inayos na ni Zale ang lahat sa bahay na 'yun, according to him. Medyo hindi pa rin talaga ako makapaniwala na mag-asawa na kami.
Dala-dala ni Zale 'yung mga bags ng grocery, ako naman ay 'yung food na tinake-out namin sa mamahaling restaurant. Makulit itong si Zale e. Pinapakain pa nga ako e, sinabi ko lang na ayaw ko talaga. Kakain nalang ako pag-uwi kaya nagtake-out nalang kami, good for us.
I'm sure nandito silang lahat. Pati si Kuya. Nagkakasalisihan kasi kami palagi nu'n, dahil nga umaalis ako ng bahay every 4pm eh nasa trabaho niya pa siya noon, tapos kapag uuwi ako. Tulog naman siya, papasok siya, tulog ako.
Speaking of work, Hindi na nga ako nakapasok ngayon dahil nga tinanghali na rin ako ng gising. Sabi naman ni Zale. Okay lang daw 'yun. Hindi naman daw ako matatanggal sa trabaho or mapapagalitan lalo na't alam nila na ako ang asawa ni Zale.
Tinanong ko rin siya kung kailangan ipalam sa pres, my gosh. Ganu'n pala kayaman at kasikat ang mga Mosley. Well, hindi ko puwedeng sabihin na sikat na sikat dahil hindi ko nga sila Siguro dahil sobrang nagfocus ako sa trabaho ko.
Iba rin naman daw pala ang company nila sa business nila Julius pero magpinsan sila. Si Julius kasi, kilala siya bilang model. Yes, model si Julius, minsan na rin siyang nagbida sa isang pelikula. So puwede na rin siyang tawaging artista.
Paano kami nagkakilala? Naging PA ako ng isang actress, tapos may photoshoot noon na kasama si ang model na si Julius. Tapos, he's the one who approached me before tapos doon na nagsimula ang lahat.
Nagtagal ang relasyon namin ng dalawang taon. Last year kami naghiwalay dahil ginusto niya 'yun.
Sobrang liit talaga ng mundo peste.
Wala namang nababanggit sa akin si Julius about sa mga Mosley noon.
Pero...
I sighed. Ano kaya ang magiging reaksyon nila once na malaman nila na kasal na ako? Hindi naman siguro magbubunganga si Ate Jena kasi nandito si Zale. Hindi niya pinapairal ang pagiging butangera niya everytime na may ibang tao or hindi niya kakilala.
Aalis din naman ako na kasama si Zale at si Mama. Napag-usapan na namin ni Zale ito. Mabilis siyang kausap at napapayag ko siya na isama si Mama sa magiging bahay namin.
Marami pa rin akong tanong pero just go with the flow na muna ako.
Pareho na kaming pumasok ni Zale sa bahay. Tahimik lang siya, nakasunod siya sa akin dahil nauuna akong maglakad.
Yumakap sa'kin si Letlet nang makalapit ako sa kanya. "Tita, bakit ngayon ka lang? Sino 'yang kasama mo?" Tanong niya sa'kin. Napatingin muna ako kay Zale. Kumindat lang siya sa akin kaya 'di ko maiwasang mapangiti.
"Siya si Tito Zale mo." sabi ko sa kanya.
Tumingin naman siya kay Zale at kumaway. "Hi Tito Zale!" Bati niya.
"Hello cutie..." Ipinatong ni Zale ang mga dala niyang groceries sa may lamesa malapit sa sofa. Tska naman lumabas galing sa kusina si Ate Jena. Siyempre, medyo gulat at nagtataka.
"Nay! May bisita si Tita oh!" Tinuro ni Letlet si Zale. Lumapit naman sa'kin si Zale at umakbay. Lalong nagtaka ang hipag ko.
"Ikaw 'yung pumunta dito kahapon 'diba?" Tanong sa kanya ni Ate Jena.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...