"Wala ka talagang kuwenta! Hindi ba't sinabi ko na saiyo na 'wag ka na muna mag-asawa? Paano na kami rito? Napakamakasarili mo!"
Ako pa talaga ngayon ang makasarili? Sabi na e, papagalitan ako ni Ate Jena, tulog pa si Mama nang dumating ako pero mukhang mapapagising ng maaga dahil sa bunganga ng hipag ko.
"Hindi ko naman kayo papabayaan e. Magpapadala naman ako rito." mahinahon na sabi ko. Napahilamos naman siya ng mukha.
"Argh, nakakainis ka Krizsella. Malas ka talaga, iyong kamalasan mo napunta sa aming mag-asawa. Tapos ngayon parang sinusuwerte ka na?" sarkastikong sabi nito.
Napabuntong-hininga naman ako. Sinusubukan ko talaga na 'wag magalit. Pinipigilan ko ang sarili ko na 'wag din siyang sigawan at isumbat lahat ng mga nagawa ko sa kanila dahil ako ang lalabas na mali.
Lagi naman.
"'Wag kayong mag-alala, Ate Jena, hindi ko naman nga kayo papabayaan e. Lalo na si Mama kasi may sakit siya." Mahinahon lang talaga ako.
"Mabuti na siguro na hindi sumama si Mama para magkaroon ka ng dahilan para bumalik dito, alam ko naman na matagal mo ng gusto na iwan kami dahil nagiging pabigat kami saiyo. Hoy, Sesel, isipin mo naman kami kung nagiging pabigat ka sa amin. Hanggang ngayon, ikaw...ikaw ang sinisisi namin dahil sa katangahan mo. Siguro sinadya mo talaga na iwan iyong nakabukas na tangke para lang masunog iyong bahay namin?" Kumunot na ang noo ko.
Calm down... Calm down...
"Bakit ko naman gagawin 'yun?" tanong ko sa kanya. Sumusobra na siya e. "Alam mo, grrr..." Napakuyom ako ng mga kamao ko dahil sa sobrang inis.
"Ano, gusto mo kong sapakin? Sige, gawin mo. Hindi ka na muna dapat nag-asawa!" sigaw nito sa akin.
"Jenalyn..." Sabay kaming napatingin kay Mama nang dumating siya. Mukhang nagising siya dahil sa bunganga nito. "Wala kang karapatan na diktahan ang anak ko, ayusin mo 'yang buhay mo. Hindi porke't asawa ka ng anak ko ay may karapatan ka na para pakialaman ang buhay ni Krizsella. Hindi mo man lang ba naisip lahat ng sakripisyo ng anak ko noong dumating kayo rito? Inisip mo man lang ba na kung hindi dahil kay Sesel ay makakasurvive kayo? Tayo? Dapat nga magpasalamat ka pa sa anak ko e. Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, Jena. Ayusin mo." sabi nito kay Ate Jena. Natigilan naman si Ate Jena.
Seryosong-seryoso si Mama. "Ma? Baka naman ho nakakalimutan ninyo na siya ang dahilan ng pagkawala ng mga nai-pundar namin noon." sinamaan pa ako ng tingin ng bruha na ito.
"Baka rin nakakalimutan mo na kung hindi rin dahil sa kanya hindi mo ma-ipupundar iyang bahay na pinagmamalaki mo." sabi ni Mama.
"Ma tama na po..." Patigil ko kay Mama. Ayaw ko na mag-away sila ng dahil sa akin. I turned to my sister-in-law. "Sige, sinisigurado ko saiyo bago matapos ang buwan na ito. May sarili ka ng bahay." sabi ko sa kanya pagkatapos ay iniwanan ko na sila roon.
Mainit na kasi talaga ang ulo ko at gusto ko nalang na matulog.Baka may kung ano-ano pa ang masabi ko sa kanya.
"Manong Natoy tara na po." magalang na sabi ko kay Manong paglabas ko ng bahay. Magliliwanag pa lang, balak ko sana ay mamaya pa akong nine uuwi pero nagbago na ang isip ko. Nag-iinit lang ang ulo ko sa hipag ko.
So malamang, maaabutan ko pa roon si Zale. I sighed.
Pumasok na ako sa kotse tapos ay umalis na kami sa bahay. Totoo 'yung sinabi ko kay Ate Jena.Mangungutang na muna ako para magkaroon na sila ng bahay. Ayaw ko na kasi talaga na makarinig sa kanila about doon sa nangyari sa bahay nila.
Nakakapagod na kasi e.
Nakakarindi rin.
Gusto ko nalang ng tahimik na buhay. Thirty na ako pero ang gulo-gulo pa rin ng buhay ko. Hindi ako tinatantanan ng problema. Mapa-financial, family and love problems.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...