Chapter Nineteen

75 13 3
                                    


Walang akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Blanko lang ito habang nakatingin sa akin ng diretso. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Pinilit kong 'wag ipahalata sa kanya ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Naghahalo-halo ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nakararamdam ako ng galit at inis ngayon na kaharap ko siya dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa ere. Sinaktan niya ako. Sinasaktan niya ako , ngayon pa na nasa harap ko na ulit siya.

Parang nabuksan ulit 'yung libro namin, 'yung kuwento ng pagmamahalan namin, na nasira dahil duwag siya. Na natapos dahil sumuko siya.

Imposible na ako 'yung sumuko, dahil kapag mahal ko. Malabong sukuan ko. "Tell me , you don't love him, do you?" tanong niya. Napatitig lang ako sa kanya.

"Hindi na kailangang itanong, nagpakasal kami, kitang-kita mo kaya bakit mo pa tinatanong sa akin 'yan?" hindi ko pinahalata sa kanya na affected ako ng sobra sa tanong niya.

Bakit niya kasi tinatanong sa akin 'yun? Akala ko ba magpapakasal na siya sa iba? Iyon ang huli ko sa kanyang balita, nagpa-plano na sila ng kasal niya.

Ibinalita kaya 'yun sa telebisyon. Afterall, kilalang tao pa rin siya ㅡ mainit palagi sa kanya ang media. Sana nga hindi ko nalang nalaman 'yun. Kasi totoo lang, nasaktan ako ng sobra.

Ang sakit kayang isipin na ako, dalawang taon kaming nagsama pero hindi man lang niya naisip na pakasalan ako. 'Yung fiancé niya na buwan palang niyang nakakarelasyon ay papakasalan niya na kaagad. Masakit din isipin na ako, ako mismo, itinago niya sa media. Samantalang 'yung ㅡ.

I sighed. Oo, feeling ko talaga ang unfair niya. Hindi ko nalang masyadong iniisip dahil masasaktan lang talaga ako.

He clenched his jaw. "Tell me..." matigas na sabi niya sa akin.

"Yes..." I answered him. "I love him, I love Zale and you know me, I won't marry him if I don't." sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso ko ng mahigpit. He pulled me closer, sobrang lapit lang ng mga mukha naming dalawa.

Naging matalim ang mga tingin niya sa akin. "Unless, you did that to spite me." I tugged my arm on his grip. Lumayo ako ng kaunti sa kanya.

"Of course not. 'Ni hindi ko nga alam na magpinsan kayo, 'wag ka ngang assumero diyan." Nakaramdam na ako ng inis.

Makapal ang mukha ni Zale pero mas makapal nga naman talaga ang mukha ni Julius. Akalain mo, matapos niya akong saktan noon, may gana pa siyang magpakita sa akin ngayon.

"I'm not assuming. Paano? Last time I checked, wala kang boyfriend tapos ngayon....tangina." umiling-iling siya na parang hindi talaga siya makapaniwala.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Are you stalking me?"

"No," mabilis na sagot niya sa'kin.

"So paano mo nalaman na wala akong boyfriend?" tanong ko sa kanya. Nag-iwas siya sa akin ng tingin.

"Alam ko lang, hindi mo naman ako papalitan diyan sa puso mo ng ganu'n-ganu'n lang."

Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha.

"Tsh, 'wag mo nga akong paandaran diyan, Julius. Napalitan na nga kita 'diba?" Itinaas ko pa ang kaliwang palad ko para ipakita sa kanya ang wedding ring na nasa daliri ko. "Bobo." pahabol ko pa.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Ano ba, I want to know the truth. Hindi mo naman talaga siya mahal 'diba?" hinawakan niya ako sa makabilang balikat ko. Kumawala na naman ako at lumayo ulit ng kaunti sa kanya.

"Mahal ko siya." matigas na sabi ko. "At hindi ko maintindihan kung bakit ang big deal saiyo nito? You have your own life and I have mine. Wala na tayong pakialaman dati pa 'diba? Simula nu'ng umalis ka." Umismid ako. Actually, pinipigilan ko lang ang sarili ko na 'wag umiyak.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon