"Buntis ako, Rence."
"What? Sinong ama niyan?"
"Eh ang tanga naman pala nito, malamang ikaw. Bobo."
Sinamahan ko si Zandra na sabihin kay Rence 'yung kondisyon niya. Nangako kasi ako na sasamahan ko siya na sabihin kay Rence, pero sinabi niya sa akin na panagutan man siya o hindi. Wala siyang paki, ipapaalam niya lang.
Suwerte niya raw kung pananagutan siya. Sabi ko naman, lagi sa kanyang umaayon ang suwerte. Pero kung umaayon daw sa kanya ang suwerte bakit siya nabuntis?
"Krizselle, hindi ikaw ang kinakausap ko." Rence turned to me.Napikon kasi ako sa tanong niya. Malamang siya ang ama. Edi sana hindi namin siya tinawag dito kung hindi siya.
Common sense. Jusko.
Umirap lang ako at natahimik tuloy. Alam ko na pinipigilan ni Zandra ang maiyak. "Rence, ikaw ang ama nitong dinadala ko. Okay lang kung ayaw mo akong panagutan ㅡ." Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Hoy, anong okay lang? Hindi puwedeng okay lang." Marahan ko siyang siniko at hinarap ko si Rence. "Panagutan mo itong kakambal ko letse ka! Matapos mo siyang buntisin ano? Iiwan mo nalang siya? Papabayaan mo nalang ang mag-ina mo?" Naiinis na tanong ko. Sa itsura niya kasi parang hindi niya nagustuhan 'yung balita ng kakambal ko.
"B-Buntis ka talaga?" tanong ni Rence kay Zandra. Hindi niya ako pinansin.
"Oo..." Napayuko si Zandra. "Alam ko na ayaw mong masira ang mga pangarap mo. Kung ayaw mo sa amin ng baby ko. Wala akong paki. Hindi ka naman LRT para ipagsiksikan ang sarili namin ng magiging anak ko saiyo." sabi ni Zandra rito at pinilit na ngumiti.
Ako naman ay napangiti. My point naman siya, hindi naman dapat ipagsiksikan ni Zandra ang sarili niya. Kung ayaw edi 'wag. Napakadali 'diba?
"Wait, wait. Puwede bang pag-isipan ko na muna?" Napasabunot ng kanyang sariling buhok si Rence.
"Sige, I'll give you 10 seconds." I smirked.
"No, I mean, puwede bang mag-usap nalang ulit tayo bukas. Damn! Magiging kumplikado ang lahat sa buhay ko." Sabi niya.
"Teka muna," hinawakan ko siya sa braso. "Sinisisi mo ba ang kapatid ko? Hoy, ginusto mo rin 'yung nangyari sa kanya. Hindi ka nag-iisip. At ano sa tingin mo? Hindi magiging kumplikado sa kapatid ko ito? Hindi lang ikaw ang may pangarap, si Zandra rin." I gritted my teeth. Nakipagtitigan ako kay Rence ng ilang segundo bago ako marahan na hinila ni Zandra.
"Enough na Sesel." Sabi nito sa'kin. Ang unfair lang kasi talaga kung hindi niya pananagutan itong kakambal ko. Nag-aalala ako sa puwedeng mangyari sa kanya. Wala pa rin alam sila Mama rito.
I told Zandra na kay Rence na muna ipaalam bago sa parents namin, dahil kung gusto ngang panagutan ni Rence, mas mabuti at samahan itong kakambal ko na ipaalam ang kalagayan niya.
I want them to defend themselves together in the front of my mom and dad. Malamang, magagalit sila.
"Eto e, ano, papanagutan mo ba itong kapatid ko o pananagutan?" I asked.
"Hoy Sel, 'di mo siya binigyan ng choices." Sabi naman ni Zandra. "Papanagutan mo ako o hindi?" Tanong din ni Zandra.
Iyan ang mahirap kay Zandra e, talagang palagi siyang mapagpaubaya. Tapos madaling kausap.
"But..."
"Oo o hindi?!" Pinanlakihan ni Zandra si Rence.
"O-Of course. Kung anak ko 'yan, pananagutan ko 'yan." sabi niya ng may kaba. Lihim naman akong napangiti.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...