Chapter Twenty

79 13 0
                                    

"K-Kaya pa?" tanong ko.

Pinilit kong ngumiti kay Julius habang tumutulo ang mga luha ko. Napamura lang siya, ako naman ay lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "We'll make this out, okay? I love you." he told me.

But he gave up on me.

Porke ayaw ng buong pamilya niya sa'kin ay sumuko na siya. Ano ba namang laban ko sa pamilya niya?

Tinanggap ko lahat.

Nagtiis ako,

Dalawang taon kaming magkasama pero 'ni minsan hindi niya ako pinakilala sa mga magulang niya. Okay lang.

Tuwing may photoshoot siya, sinasama niya naman ako pero ang masakit lang ay pinapakilala niya ako bilang P. A niya. Personal Alalay. Okay lang.

Nagsosorry naman siya kaya okay lang. Mahal ko siya e, at alam ko na mahal niya rin ako. Humahanap lang kami ng right timing para ipakilala niya ako, as his girlfriend.

Pero noong una naming pagkikita sa mommy niya ay pinakilala niya rin ako as his alalay, not his girlfriend and sobrang sakit talaga noon sa part ko. But I accept it.

Mahal ko talaga siya at naniniwala ako na maayos naming dalawa 'to. And dumating naman 'yung araw para ipakilala talaga ako. Pero...

"Oh, the alalay is here again. Whatcha doin' here?" tinaasan ako ng kilay ng isang babae. Lumapit naman sa akin si Julius at inakbayan ako.

"Sel, this is my cousin, Synde and Synde, she's not just my PA, she's my girlfriend, I love her." nakangiting pakilala ni Julius sa akin. Ngumiti ako ng pilit sa babaeng nasa harap namin ngayon.

"What?" She asked in disbelief. Maya-maya pa'y dumating ang nanay ni Julius at medyo natigilan din ng makita ako.

"Bakit ka naka-abkay sa personal assistant mo?" tanong ni Mrs. Mina sa amin.

"Hello po..." Nag-bow pa ako ng kaunti, kahit naiilang ay ngumiti pa rin ako. Namamasa na ang mga palad ko sa sobrang kaba.

"Mom, she's my girlfriend." sabi niya. Never pa akong kinabahan ng ganito. Ngayon lang.

Sana talaga suwertehin ako, kahit ngayon lang. Sana magustuhan ako ng mommy niya. Gusto ko ng sumaya, gusto ko makaramdam ng pang-matagalang saya na hindi ko nakuha kay Raprap, Laxus, Tristan, Achiles at kay Carlos, lahat sila sinaktan ako. Si Raprap na iniwan ako, si Laxus na na-nafall out of love, nakipaghiwalay din siya dahil ayaw kong may mangyari sa amin, si Tristan na babaero, si Achiles na ginawa lang akong rebound at si Carlos na bakla pala.

Ang malas-malas ko sa lahat ng bagay, pati sa lovelife napakamalas ko rin. Lahat sila may kanya-kanyang reason para saktan ako. Minahal ko naman silang lahat, lalo na 'yung first love ko ㅡ si Raprap.

"Girlfriend?" Sumama ang mukha ni Mrs. Mina at saka niya sinenyasan si Julius. "Let's talk." sabi nito at naglakad. Ibig sabihin ay sundan siya ng anak.

Napatingin ako kay Julius, ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo. "Mahal kita." sabi niya. Ngumiti nalang din ako. Nagpaalam siya na kakausapin niya nga ang mama niya. Naiwan ako roon na sinusuri pa rin ako ni Synde.

Naka-crossed arm siya at tinataray-tarayan ako. Gusto ko rin magtaray din pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil kailangan kong magpa-impress. Kailangan kong magpasensya.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon