Pagdating ko sa office namin ay siyempre napansin nila iyong bandage sa ulo ko dahil nga sa nangyaring aksidente kanila. Siguro nga tama na 'yung umalis ako kaagad sa lugar na iyon dahil ayaw ko na talagang madawit pa sa gulo na 'yun. Okay na 'yung may bukol at sugat na ako sa noo bilang remembrance.
Tss.
Tinanong nila ako kung ano ang nangyare sa noo ko. I just said to them the same dahilan na sinabi ko kay mama kanina.
Same routine lang ang nangyari sa trabaho ko hanggang sa makauwi ako. Bago ako makatulog pag-uwi ko sa bahay ㅡ ay naalala ko ang lalaki na hinalikan ko nalang. Akalain mo 'yun, bigla nalang susulpot tapos aayain akong magpakasal.
Well, base sa mga sinabi niya ay palabas lang daw. Duh, buong buhay ko hindi ko pinangarap maging artista.
No...
No...no...no
SIguro naman hindi niya na ako kukulitin ulit matapos niyang malaman ang trabaho ko which is echos ko lang.
Pero ouch ha, pinandirihan niya talaga ako kanina. Oo, alam ko na nandidiri siya nu'ng sinabi ko na dancer ako sa club.
I sighed.
Pinilit ko ang sarili ko na 'wag nalang muna pakaisipin 'yung nangyari na 'yun. Mabuti na rin talaga 'yung hindi na matuloy iyong pinaplano niya na pakasal-kasal daw.
Jusko. Bahala siya sa buhay niya, wala talaga akong balak.
Kahit guwapo pa siya, si Mama ang nangunguna sa priorities ko ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang trip niya at ako ang gusto nyang pakasalan. Nababaliw na siya ng sobra.
🥀🥀🥀
"Anong balak mo ngayon?" Tanong ko sa kakambal ko na si Zandra. Tumigil na siya sa paghagulhol pero patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha nito. "Sinong ama niyan?" dagdag ko pang tanong sa kanya. Nasa kuwarto na kami pareho ng bahay at alalang-alala talaga ako sa kapatid ko. Hindi siya sa akin nakatingin, nakatulala lang siya, hindi mo alam kung ano ba talaga ang tinitingnan.Mas minabuti ko na dito nalang kami mag-usap sa kuwarto at 'wag doon.sa school. Wala naman ngayon sila Mama, Papa tapos si Kuya. Nasa opisina pa si Papa tapos si Mama ay nasa shop pa.
"Si Rence..." Sabi niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya.
"Paano nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Malaswa. Hindi ko puwedeng ikuwento ng detalye basta iyong ano ㅡ." Itinaas ko ang palad ko para patigilin siya.
"Okay, stop. I get it. I mean, hindi mo naman siya boyfriend paano nangyari 'yun?" tanong ko sa kanya. "...at kailan? Ilang buwan na 'yang bata sa tiyan mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Napabuntong-hininga si Zandra. "Last two months. Hindi naman namin sinasadya e, naalala mo nu'ng birthday ni Laxus? Doon mismo sa bahay nila nangyari." Napanganga ulit ako sa sinabi niya.
"My God, Zandra!" I exclaimed. "Hindi sinadya?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Bakit lagi nilang sinasabi na hindi sinasadya kapag nakakagawa ng mali?
"Oo, ewan ko. I lost my sanity when he kissed me." ayan, ayan tayo e.
"Hindi man lang kayo nahiya? Hoy, Zandra. Ano nalang ang sasabihin ni Mama ngayon? Paano na iyang pag-aaral mo? Isang taon nalang college na tayo tapos nabuntis ka pa?" Hindi ako galit sa kakambal ko. Nag-aalala lang ako sa puwedeng mangyari dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
RomanceHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...