Bakit kaya hindi nalang tayo pantay-pantay 'no? Bakit may pinanganak na mayaman. Hindi ba puwedeng lahat nalang tayo pare-pareho ng estado sa buhay?
Hindi ba puwedeng lahat nalang tayo maging masaya?
Well, ang masasabi ko lang, masaya ako sa mga nangyari sa buhay ko, lahat ng tragedy, mga hindi magandang nangyari. Worth it naman kasi e. 'Yung mga bakit ko ay alam ko na ang sagot.
Bakit hindi tayo pantay-pantay? Lahat naman tayo May kanya-kanyang role sa buhay at lahat tayo may dapat matutunan. Pero bakit nga ba hindi pantay-pantay?
Yeah, ganu'n talaga ang buhay.
I realized na lahat ng tao sa mundo na 'to. Nasa taas man o nasa baba ay may kanya-kanyang problema. Hindi naman dahil mayaman ka, may malawak kang hacienda at kaya mo nang bilhin ang mundo ay wala ka ng problema, hindi ka na nakaranas ng dusa.
Kahit mayaman ay nagkakaroon ng problema, wala nga kasing perpekto tao sa mundo. Naisip ko na kahit may hawak akong libo-libong isang libo sa mga kamay ko ay mamo-mroblema pa rin ako. Ano naman ang bibilhin ko rito?
Oh 'diba?
Ganu'n naman talaga ang mundo 'diba? Hindi nauubusan ng problema, hindi rin nauubusan ng solusyon. Sabi nga, lahat ng problema may solusyon.
Pero alam niyo kung ano ang the best na solusyon? 'Yung maayos na mindset. Kung ano ang magiging reaksyon mo sa problema mo. Gan'to 'yun, hindi naman problema ang problema ko, kundi ang reaksyon mo sa mga ito.
Depende kung magiging daan ito upang mas maging matatag ka or magiging daan ito para unti-unti kang bumagsak. Nasa sa'yo pa rin 'yan. Desisyon mo 'yan kung magpapadala ka sa sobrang lungkot, sobrang galit, sobrang sakit. Desisyon mo 'yan kung gagawin mong solusyon sa problema mo ang lubid, blade o ang pagtalon sa tulay.
Hindi man tayo pantay-pantay - well, hindi naman talaga dahil may pandak at may matangkad, lol. Hindi man tayo pantay-pantay sa estado ng buhay, may mga pagkakapareho pa rin tayong lahat. Pare-pareho lang tayong tao na puno ng problema.
Pare-pareho lang tayong nasasaktan, may sari-sarili tayong kuwento sa buhay.
Sabi nga ni Ma'am Charo Santos, ikaw ang bida sa kuwento ng buhay mo. Sa kuwentong ito, literal na ako ang bida.
Sa totoo lang, may taong darating sa buhay mo para maging solusyon o tulungan ka na solusyunan ang problema mo. Hindi mo lang pansin pero ayun ang totoo. Kung bida ka sa buhay mo, hindi rin mawawala ang mga supporting roles 'diba? Para tulungan ang bida.
Naisip ko na si Zale ang solusyon sa mga naging problema ko. Sa tingin ko'y itong panibagong kabanata ng buhay ko ang finish line ng lahat ng sakripisyo at paghihirap ko.
I love him, I really love him.
Napangiti ako nang makita ko na pumasok ng kuwarto namin ang napakacute kong anak. "Hey Cronica..." Hinaplos ko ang pisngi niya.
Isinunod ko siya sa pangalan ng kakambal ko. Hindi naman dahil sa kahawig niya si Zandra. Gusto ko lang na Cronica ang ipangalan ko sa kan'ya.
Jusko, napaka-unfair nga eh. Hindi niya ako kamukha! Wala siyang kamukha sa pamilya ko. Pinaghahampas ko nga si Zale sa sobrang inis ko sa kan'ya. Paano ba naman kasi? Kamukhang-kamukha niya! Magmula ulo hanggang paa, sa lahi nila nanggaling ㅡ hindi ko 'to puwedeng maitago.
Halatang-halata na anak siya ng ama niya. "Nay, one plus one?" Napangiti ako nang itanong niya sa'kin 'yun. Ang cute niya kasi, bungi pa rin siya.
"Equals two, baby," sagot ko sa kanya. Totoo naman ah, two ang sagot, 1+1=2.
![](https://img.wattpad.com/cover/242973758-288-k655252.jpg)
BINABASA MO ANG
Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)
Любовные романыHindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinanganak na talaga siya na may dalang kamalasan? Okay lang sana kung siya lang ang naaapektuhan, pero hind...