9

283 9 0
                                    

STACEY

Alas onse na pero wala pa rin si Orion kaya naisipan kong lumabas muna at magpahangin saka para makapalakad-lakad na rin.

"Can't sleep?" Nagulat naman ako kay Polaris na nakahiga sa folding bed niya at nandito siya at sa labas.

"Nagulat ako sa'yo. Hindi pa ako inaantok kaya balak ko sanang maglakad-lakad muna." 

"Samahan na kita. Let's go that way para hindi natin maistorbo 'yung dalawa." Tinuro niya sa bandang kanan saka tumayo. Nakita rin ata niyang nag-uusap sina Sky at Orion.

Tahimik lang kaming naglalakad at may mangilan-ngilan din kaming nakikitang nag-uusap na magkasintahan at 'yung iba tahimik na nanonood sa mga alon at bituin. Huminto naman kami sa may malapit sa pampang, maliwanag naman dahil sa buwan kaya walang mag-iisip na may kababalaghang nangyayari.

"Gosh. Ang dami kong nakikitang magjowa." Sambit niya nang makaupo kami sa may mga bato.

"Huwag ka nang magtaka. Look at the view and ambiance, it's good for some romance and we both know that this kind of view is romantic." Ganito naman kasi ang view sa mga movies karamihan.

"Whatever. It's not that I'm bitter but look at them. Most of them are teens." Tama naman siya. Karamihan sa mga nakita at nadaanan namin ang babata pa tapos 'yung iba PDA.

"Most of them are impulsive. Kissing in a public places like this and thinking that it is romantic and cool—which is not in my opinion. Some of them are making out and it disgusts me as hell. Tsk hormonal teenagers." Dagdag pa niya habang nakatingin lang sa mga alon.

"Hindi sa dinedepensahan ko sila pero sabi mo nga teens sila. Nasa edad sila na gusto nilang mag-explore at nasa age sila na kung saan mapupusok sila." Mapapansin din naman kasi na karamihan talaga sa mga kabataan ngayon mapusok at akala mo marunong na talaga sila.

"Hmmm. That's the right term—mapusok. Gusto nila ng experience, adventure and fun kaya nagiging impulsive sila lalo na pagdating sa love. Karamihan akala nila kapag all-day magka-text, tawag at may pa long message ay true love na. Gosh. Cringe." Natawa ako dahil may pa shake pa siyang ginawa sa katawan niya.

"Hayaan mo na, buhay nila 'yon."

" 'Yun na nga, buhay nila 'yon pero pwede naman kasi silang makinig sa mga sinasabi ng mas nakatatanda. 'Yung iba kasi akala nila marunong na sila. Sasabihin na buhay naman nila kaya dapat walang pakialamanan pero hindi naman gano'n 'yun. Sympre may makikialam dahil affected sila sa mga desisyon nila o hindi kaya concern lang. Ewan ko ba kung bakit tayo napunta sa topic na ito." Natatawang sabi niya at nailing pa. Ewan ko rin sa kanya.

"Malay ko sa'yo. Mukha hindi ka nga lovey-dovey type of person."

"Hindi talaga. One of the reason kung bakit wala akong Facebook ay dahil ayaw kong makakita ng mga mag-cringe post about sa mga magkarelasyon. Tapos ayaw ko rin makakita ng mga katangahan sa Facebook like click baits, scams, fake news tapos fake info na shina-share ng karamihan." I agree with her. May Facebook account naman ako pero para lang sa mga messages tapos ilan lang naman ang friends ko.

"Me too. I think people in social media are becoming more toxic. Nag-aaway sila sa comment section dahil lang sa mababaw na dahilan at akala nila nakakatalino ang gano'n." Karamihan pa sa mga trolls at pala-comment ay mga kabataan.

"Agree. Arguing in social media is pointless. Gosh. Mabuti na lang talaga at wala akong hilig sa mga ganyan. I'd rather sleep all day than to browse and read pathetic comments." Pansin kong opinionated siyang tao. May sarili siyang opinyon pero may point at hindi makasarili.

"Halata rin naman na hindi ka mahilig sa social media dahil minsan ka lang humawak ng phone."

"Wow. Observant. It suits you kasi silent type ka tapos observant pa." Ngumiti lang ako sa sinabi niya. I think it's a compliment din naman kasi.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon