19

161 10 2
                                    


STACEY

Ngayon ang araw ng alis namin at nandito na kami ngayon sa airport. Kasama ko ang mga magulang ko tulad ng iba naming kasama. Nandito rin si Ace na kasamang naghatid sa akin. Si Orion ay kasama si tita at Polaris. Lampas alas dos na ng hapon at mamayang alas tres ang flight kaya may ilang minuto pa kami para magpaalam.

"Mag-ingat ka anak doon at i-update mo kami kapag nakarating na kayo." Turan ni mama habang yakap ako habang nasa tabi lang namin si papa.

"Opo ma. Huwag na po masyadong mag-alala dahil pwede naman tayong mag-videocall kapag may time ako." Paninigurado ko pa sa kanila.

Ilang minuto pa ay nagtatawag na sila ng pasahero kaya nag-ready na kaming lahat.

"Salamat sa pagsama Ace." Baling ko sa kanya.

"Wala 'yon. Chat-chat na lang kapag may oras ka o hindi busy." Tugon niya na may kasamang ngiti.

"Oo naman. Salamat ulit sa libre mo kahapon. Ma, pa, punta na po ako." Ngumiti lang siya habang ako ay naglakad na patungo sa pwesto ni Orion.

Bago kami umalis ay may inabot pa sa akin ang kapatid niya.

"Good luck and break a leg." 'Yun lang ang sabi niya at kumaway. Doublemint at mentos ang iniabot niya sa akin na ikinatawa ko na lang.

Lagi niya kasing sinasabi sa akin na kapag bumibiyahe siya ay nagdadala siya ng gums o candies para hindi mapanis ang laway niya habang nasa biyahe.

______

Lampas alas sais na ng gabi pagdating namin sa pansamantalang tutuluyan. Mahigit tatlong oras ang biyahe at alas sais pa lang ngayon dahil 1 hour ang pagitan ng Thailand sa Pilipinas kaya alas siete ang oras doon.

Apartment type itong bahay kung saan kami maglalagi at may apat na kwarto. Tig-dalawa sa bawat silid dahil saktong walo rin naman kami. Bale 15 kaming lahat pero hiwalay 'yung 7 na mga lalake sa amin. Walking distance lang 'yung ospital na papasukan namin at bukas pa nila sasabihin 'yung kanya-kanyang schedule.

Kami ni Orion ang magkasama ngayon sa kwarto at busy siya sa pag-aayos ng gamit niya. Napili niyang kunin ang upper part ng bunk bed kaya sa akin itong ibabang parte. Maluwag itong kwarto dahil may dalawang kabinet at study table. Good thing na may Wi-Fi rin dito kaya agad akong nag-message sa mga magulang ko. Sinabihan ko rin si Ace dahil nakita ko ang message niya at tinatanong kung nakarating na kami.

"Ano na? Nakarating na kayo?" Boses ni Polaris at mukhang magka-videocall ang magkapatid ngayon.

"Yeah. Pakisabi rin kay mama na nandito na kami."

"Okay. Ingat sila sa'yo 'jan at please lang huwag ka munang mag-uuwi ng lalake galing 'jan." Natatawang kumento niya habang napa-ungot lang si Orion.

"Blaaah. Baka gusto ikaw ang hanapan ko rito. Sabihan mo lang ako if ever."

"Hanapan your face. Byeee."

"Ahhhh. Kinakabahan ako para bukas." Biglang saad ni Orion mula sa itaas ng kama.

"Pare-pareho naman ata tayong kinakabahan." Iling sa sabi ko rin habang inaayos ang mga damit ko.

"Haaaaay. I can't believe na ilang buwan na lang ay bye-bye college na tayo tapos review agad para sa board. Feel ko na 'yung pressure ng pagiging isang adult." Agree ako sa kanya. Parang bumibilis ang takbo ng oras habang nagkaka-edad na.

"Kalma lang Orion. Anyway, nice bracelet." Ngayon ko lang ito napansin na sinuot niya. Mukhang may bago nanaman sa collection niya.

"Salamat. It's a gift actually." Ang cute at simple lang ang disenyo.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon