STACEY"Sigurado ka bang hindi ka talaga nilalamig?" Pang ilang ulit na tanong ni Polaris sa akin at ino-offer ang jacket niya.
Kami ang magkasama dahil humiwalay sina Lily at Ori. Actually kasama pa namin kanina si Sky pero bumalik na ata sa kotse.
"Ang kulit mo rin. Ayos nga lang ako." Hindi naman gano'n kalamig para sa akin.
" 'Kay. Oh, wait lang picturan kita." Natawa na lang ako sa kanya dahil imbis na bumili kami ay mas maraming pictorial na nagaganap.
"Why are you laughing huh?"
"Kasi naman hindi mo sinabing pictorial pala ang pinunta natin dito imbis na shopping."
"Oh. Ang ganda naman kasi ng view, sayang kung hindi mapakinabangan. Sige na, bili na nga tayo." Mukhang napansin din niya na wala pa kaming nabibili kaya hinatak niya ako sa isang stall. Kumpulan din kasi ang mga tao.
'Yung iba kasama ang mga kaibigan, may magkakapamilya, magjowa at may ilan ding mag-isa.
"Mukhang maswerte tayo ngayong gabi. Look oh, may mga price tag pa sila." Turo niya sa mga nakahilerang hoodies at may mga ilan ngang may tag pa.
"At talagang Gildan brand pa. What a lucky day." Turan niya habang sinisipat ang mga hoodie.
"Bilhin mo na itong isa Stacey. Feeling ko bagay sa'yo at isa pa ang mura pa." Sabay taas niya sa isang yellow hoodie.
"Sige na nga para na rin matchy tayo." I think same lang din naman 'yung kinuha niya na kanya pero black nga lang.
"Aha. Wait lang pili pa ako ng iba, baka maka-jackpot ulit." Natutuwa ako dahil hindi ko alam na marunong pala siya sa mga ganito. Matalas din ang mata niya dahil alam niya kung alin ang magandang quality.
Nakadalawang hoodie siya at isang leather jacket habang ako naman ay dalawa ring hoodie na siya ang pumili. Hindi naman ako mahilig sa hoodies pero hinayaan ko na lang dahil magagamit ko rin naman.
"Do you like boots?" Out of nowhere na tanong niya habang naglalakad ulit kami.
"Hindi masyado, bakit?" Totoo naman kasi dahil wala akong paggagamitan.
"For sure magugustuhan mo na ngayon ang mga boots." Saka niya pinasok ang isa nanamang stall.
OMG. Kaya naman pala e. Puro branded ulit na mga boots at may mga sapatos din. Nakaagaw pansin sa akin ang ilang Doc Martens na pares ng mga boots.
"Bakit ang talas naman ng paningin kapag sa mga ganito at alam na alam mo rin ang brand mo ha." Saad ko sa kasama kong busy sa pagtingin ng mga sapatos.
"Hindi naman. Nagkataon lang siguro na familiar ako sa mga brand at isa fan talaga ako ng Doc Martens. Grabe ang quality. 'Yang hawak mo ay Leyton Women's Leather Casual. Nice choice." Napatingin naman ako sa hawak ko. Nagandahan kasi ako sa simpleng design at hindi pala siya gaanong mabigat.
"Bakit mo naman binalik?" Takang tanong niya sa akin.
"Wala kasi akong pagsusuotan at hindi rin ako mahilig sa high cut." Honest na sagot ko pero kinuha niya ulit at inilagay sa may paanan ko. Tinignan pa ata kung kasya sa akin.
"We'll get this one. I got mine also." Nakita ko 'yung hawak niyang magkapareho sa napili ko.
"Magkamukha sila pero tingin ko ito ay Tobias Men's dahil mas mataas ang cut at 8 pairs ang butas sa'yo kasi 7 pairs lang." Dagdag na paliwanag niya sa akin bago nagbayad sa tindero. Nag-insist siya na siya na ang magbayad.
Sunod namin na pinuntahan ang hilera ng mga street foods. Ayaw na niya kasing makipagsiksikan pa at wala na rin akong energy. Sari-saring mga pagkain ang nakikita namin pero nag-settle kami sa shawarma, BBQ at tubig. Balak pa niyang siya ang magbayad pero inunahan ko na. Pati tuloy 'yung tindera natawa.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?