STACEY
Nagising ako katabi si Polar na mahimbing pa rin na natutulog. Matagal ko nang gusto na magkaroon ng pusa pero hindi naman mahilig ang mga kapitbahay namin kaya wala akong mahingian at wala rin akong time tumingin sa pound at shelter o sa mga shop.
Luckily natupad na ang dream ko na magkaroon ng sariling pet. May pet naman sina lola na aso at sobrang cute rin pero gusto ko kasi talaga pusa. Isa pa, nagulat ako dahil sa pag-follow sa akin ni Polaris kagabi at nag-message. Kinumusta lang naman Polar at nagtanong kung bakit Polar ang name. Well, bagay naman kasi ang Polar sa cute na nilalang na natutulog dito sa tabi ko.
Aminado akong nag-stalk ako slight sa account niya. Tumingin sa photos at kung sino ang mga fina-follow. Turns out hindi siya mahilig mag-follow ng celebrities at mga 20 lang siguro na photos ang laman ng account niya tapos 15 doon ay puro view sa mga lugar na napuntahan niya tapos 5 ay mukha niya.
Gumayak na lang ako dahil magsisimba kami mamaya at idadaan muna namin si Polar sa vet para mapatignan. Ayos naman kay mama at sa kapatid ko magkaroon ako ng pusa basta responsable akong pet owner at alam ko sa sarili ko na maaalagaan ko naman ng maayos.
_____
Matapos ang simba ay namalengke si mama kasama ang aking kapatid at binalikan ko si Polar sa shop.
"Good afternoon Ms. Stacey." Bati ni doc sa akin.
"Good afternoon po. Kukunin na po sana si Polar kung pwede." Magalang na saad ko.
"Pwedeng-pwede na. Ready na rin 'yung mga vitamins niya tapos dalhin mo na lang ulit next month dito pa ma-check natin." Tumango ako bilang pagsang-ayon at inabot na rin ang bayad.
Ayon pa sa kanya ay isang Turkish Angora si Polar. Karaniwan na kulay puti at blue ang mata pero sa kaso ng alaga ko ay magkaiba ang kulay sa magkabilang mata. Ito ay tinatawag na heterochromia. Normal lang ito para sa mga hayop lalo na para sa mga pusa.
Bumili na rin ako ng cat food at mga toys para kay Polar mula sa shop. Aminado akong medyo magastos pero ayos lang naman dahil masaya akong may inaalagan. Isa pa ay mabait itong alaga ko at kalmado tapos maghilig sa cuddle.
Pagdating sa bahay ay piniktyuran ko muna siya para isend kay Polaris. Nag-request siya kanina na kung pwede ay padalhan ko siya.
"Ang linis na niya. Paano mo siya pinaliguan?" Natawa pa ako dahil 'yun ang unang napansin niya.
"Dinala ko siya sa vet tapos pinaliguan nila dahil takot siya noong paliliguan ko sana. Lol."
"Really? Kaya naman pala looking good na siya. The name tag looks good too." Nagpagawa rin pala ako ng name tag para sa kanya. Masyado akong all out kasi nga first time.
"He's a good boy also who loves to cuddle. Anyway, you can visit him if you want." Of course she's welcome to visit Polar 'coz in the first place she's the one who found him.
"Sige. Sabay na lang ako kapag bibisita si Orion d'yan."
_____
SKY
Isang linggo na mula noong celebration ni Stacey at sa balita ni Orion na nasa ligawan stage na sila ni Miko. Ayos lang naman sa akin, may kaunting selos pero hindi masyadong big deal. Pinangangalandakan ni Miko sa mga blockmates namin na konti na lang daw magiging sila na ni Orion. Tss. Mabuti na lang din at hindi kami gaano nagkikita sa campus dahil busy ako sa aming capstone.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?