STACEY
Nandito nanaman ako kwarto ko tumatambay. Day-off ko kaya naman sinusulit ko na. Masyado pang maaga para manood ng movies kaya ito ako ngayon nagbabasa tapos nasa lap ko lang naman si Polar na tahimik lang at si Acer na nilalaro ang mga toys niya sa baba. Acer my adorable dog, female dog exactly.
Hindi ako maka-concentrate dahil ang hyper ni Acer kaya naman nagbihis muna ako at nilagyan na rin sila ng leash. Gusto ata nanaman kasi ni Acer gumala.
"Oo na nga baby lalabas tayo kaya kumalma. Isasama natin itong tamad mong kapatid para makapag-exercise rin." Oo na, weird na kung weird pero ganito ko talaga sila kausapin. Babies ko naman sila.
Mabuti na lang kumalma na si Acer habang inaayos ko ang mga gamit nila para makalabas na kami. Nagdala ako ng diapers at treats para sa kanila bago sila inakay pababa. Sakto naman na naabutan ko ang kapatid kong nanonood kaya naisipan kong isama.
"Sama ka na lang kaya sa amin tutal ay wala ka namang ginagawa."
"Ayoko nga. Pagbabantayin mo lang ako sa dalawang 'yan e." Mabilis na tanggi niya kaya medyo natawa na lang ako.
"Sumama ka na. Boring dito kasi namalengke si mama at mamaya pa 'yon uuwi. Gamitin natin 'yung motor, dali na."
"Dagdagan mo baon ko dahil ako naman nagbabantay at nagpapakain d'yan sa mga anak mo." Hirit pa niya kaya tumango na lang ako. Galing din talaga makipag-deal.
Pagkarating namin sa oval ay tumalon-talon agad sa tuwa si Acer kaya agad hinawakan ni Shaun ang tali niya. Ito namang si Polar ay shy type pa rin at walang balak bumaba mula sa akin.
"Ikaw muna makipaglaro sa kanya kasi hindi ko talaga kaya pantayan ang energy niya. Promise, ibibili kita ng bagong shoes." Pambubudol ko ulit sa kapatid ko na mukha namang ayaw pa maniwala sa sinabi ko.
"Ano ba naman 'tong amo mo Acer napakatamad makipaglaro sa'yo. Ikaw naman kasi umagang-umaga ang taas agad ng energy mo." Pagrereklamo pa niya pero nakipaglaro naman sa aso.
Madaming tao ngayon dito sa oval. 'Yung iba tumatakbo, meron ding naglalakad kasama ang mga aso at 'yung iba nagsu-zumba. Ako naman nandito lang sa isang bench na nakaupo tapos kinuhanan ko na rin ng picture si Polar na mukhang nagmamasid pa.
"Do you want to play with mommy huh? You're lucky kasi nadala ko ang favorite toy mo." Sabi ko sa alaga ko na ngayon ay nasa mood na ata para maglaro. Playful din naman kasi pero madalas ay gusto niya lang talagang natutulog o minsan ay tahimik lang na nakaupo.
He just keeps on playing with his Pikachu toy so I decided to record him because he's adorable right now. Puro na nga pagmumukha nila ni Acer ang laman ng phone ko at wala naman akong reklamo. Minsan kasi namimiss ko sila kapag nasa work kaya mabuti na lang marami silang pictures sa phone. Sila ang stress reliever ko pero minsan stress kapag pasaway sila. Pareho kasi nilang favorite 'yung Pikachu kaya lagi silang nag-aaway dahil lang doon.
"Ate! Ayoko na bantayan itong aso mo. Ang kulit niya tapos inaaway pa 'yung isang aso kanina." Sabi ng kapatid ko habang bitbit ang makulit na si Acer.
Pagkakita niya sa nilalaro ni Polar ay agad din siyang bumaba at pinipilit nanaman agawin 'yung laruan.
________
"Ate, saan lakad mo?" Tanong ng kapatid ko pagkababa ko pa lang sa sala.
"May date ako. Ikaw muna ang bahala sa dalawa, huwag nanaman puro treats ang ibigay mo. Pakisabi na rin kina mama na gagabihin ako." Puro naman siya tango sa sinabi ko.
"Oo na ate. Pakumusta na rin ako sa fiancé mo."
"Sige. Basta 'yung bilin ko sa'yo, huwag puro treats lalo na kay Acer." Muli ay tinanguan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalaro sa kanyang phone.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?