29

157 8 0
                                    

STACEY

Isang buwan na mula noong nanggaling kami sa Baguio at mag-iisang buwan na rin mula noong umalis si Sky. Pagkatapos nilang mag-usap ni Orion ay ang awkward na nila kinabukasan pero maayos silang nagpaalam sa isa't-isa bago kami umuwi. Wala namang awkwardness sa amin ni Polaris after ng ginawa naming date. Nag-uusap pa rin kami minsan sa chat at video call kapag bored siya. I don't mind naman lalo na kapag hindi ako busy at nagtatanong din naman siya kung pwede. Minsan nga kinapalan ko na ang mukha ko at tinanong kung bakit gusto niya ako kausap. Ang sabi lang niya "I prefer and like talking to you.". S'ympre nagtataka lang naman ako dahil madalas kaming magka-chat, siya ang nag-iinitiate ng topic.

Ngayon araw din ay nagsimula na kaming pumasok sa review center bilang paghahanda sa board exam. Kasama ko pa rin naman si Orion at iba rin naming batch. Paglabas namin sa review center ay nakita na namin agad si Miko na nasa labas ng sasakyan niya.

"Perks of having a boyfriend, laging may sundo. How sweet naman Orion." Pang-aasar ng mga kasama namin kay Orion.

"Ewan ko sa inyo. Sabay ka na sa amin Stacey." Offer niya sa akin pero umiling ako. Date nila at ayaw ko naman maging third wheel.

"Okay, ingat kayo guys pauwi. Babay na, kita-kita ulit bukas." Paalam niya sa amin at bumeso pa sa akin bago tinungo ang kasintahan.

"Nako sis, ikaw ba walang balak magkajowa?" Tukoy ni Justin sa akin habang naghihintay kami ng masasakyan.

"Meron naman pero siguro hindi pa sa ngayon." Honest naman na sagot ko pero bigla ko na lang naisip si Polaris out of nowhere. Ang weird nga kasi minsan nako-compare ko siya sa ibang guy na hindi naman talaga dapat.

"Talaga? E ano 'yung nakikita ko sa IG at Facebook na laging nagko-comment itong kapatid ni Orion sa mga posts mo?" Malisyoso talaga ang isang 'to. Hindi ko nga rin alam kung bakit madalas na siya mag-comment sa mga posts ko kasi noon hindi naman. Puro pa kasi compliments kaya itong si Justin ay nilalagyan ng malisya.

"Ship ko kayo kahit alam kong straight ka. Sobrang bagay kayo sa paningin ko at alam mo ba grabe ang tingin niya sa'yo noong pageant." Hindi na lang ako nagkomento sa pahayag niya.

"Pwede bang magkagusto ang straight sa hindi? Ikaw, magkakagusto ka ba sa straight?" Hindi ko alam kung bakit ba ako naging curious sa ganitong usapan.

"Parehong oo at nangyayari naman talaga. Maraming mga cases na nakakagusto ang straight sa isang member ng LGBTQ+ pero madalas sa mga babae 'yan. Sa second question mo naman ay nagkakagusto ako sa mga straight guy pero hindi sa point na jojowain ko sila dahil para sa akin hindi kami magwo-work o one-sided lang. Minsan kasi sa amin pera lang ang habol tapos madalas na ikahiya kami kaya pass ako sa mga straight. Sa akin hindi talaga magwo-work kung isa ay straight dahil may tendency na maghanap siya ng iba at 'yung minsan 'yung iba naman for experience lang, opinyon ko lang. Actually kahit sa mga straight nangyayari rin naman minsan 'yung ganoong isyu." Nagkibit-balikat lang siya pagkatapos ng mahabang litanya.

"Oh, bakit natahimik ka? Stacey ha, baka naman iniisip mo 'yung kapatid ni Orion?"

"Hindi."

"Edi hindi. Pero grabe ang daming nagka-crush sa kanya simula noong nakita siya sa Uni. Tignan mo naman kasi ang face, height, style at mga daliri jusko. Kung may lawit lang talaga siya edi sa kanya na ako lumandi." Grabe talaga ang isang 'to sa mga salita. Mabuti na lang at kaunti ang tao na nakapaligid sa amin. Totoo rin naman ang sinabi niya dahil ang daming nagtatanong kay Orion tungkol sa kuya niya at kay Polaris.

"Grabe ka. Mabuti na lang naka-uwi na si Orion."

"S'ympre sa atin lang ito 'no, pero aminin mo good-looking talaga silang magkakapatid. Iba nga lang ang dating nitong si Polaris. Basta may something sa kanya na nakaka-attract, hindi ko lang ma point out kung ano 'yon."

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon