22

151 9 0
                                    


STACEY

Maaga kaming para makapaghanda sa biyahe. Ang maayos ang dinner kagabi. Nakapagpasalamat at maayos na nagpaalam sa pamilya ni Pran. Ibinigay ko rin ang regalo ko sa kanya at sinabi niyang bibisita siya sa Pinas very soon kasama ang girlfriend niya.

Sinabihan ko kagabi si mama na ngayon ang alis namin. Susunduin pa sana niya ako pero tumanggi na ako dahil nangulit si Sky na siya ang sumundo sa akin. Tinanong din ako ni Ace kung may sundo ako dahil kung wala ay siya na lang daw, s'ympre sinabi kong meron na. Tapos na ang internship nila Sky kaya sabi niyang ayos lang na sunduin niya ako at kasama niya naman si Lily. May bus naman na ipapadala 'yung school para sumundo sa amin kung sakali pero mas hassle na 'yon kasi ihahatid isa-isa kaya matatagalan.

_____

"May sundo ka ba? Sabay ka na sa amin ni Miko kung wala." Turan ng katabi kong si Orion habang hinihintay namin ang mga bagahe.

Nakalapag na kami at nag-message na rin ako kay Sky na hintayin na lang ako saglit. Isang oras na silang naghihintay sa amin dahil medyo delay 'yung flight.

"Meron. Nandyan na sina Sky sa labas. Nag-insist na siya ang sumundo kasama pa si Lily." Nagulat pa ata siya sa sinabi ko kaya tumango na lang.

Pagkakuha sa mga bagahe ay nagpaalam na kami sa mga kasamahan namin. Agad din naming nakita sina Sky na may hawak pang cartolina.

"Para kang ewan." Sambit ko sa kanya paglapit. Bumati rin ako kay Lily na nasa tabi niya.

"Ayos ba? Para naman feel na feel mo na nangibang bansa ka for years. Iba talaga kapag nangingibang bansa, gumaganda." Nakuha pang mang-asar kaya sinita tuloy ni Lily.

"Okaay titigil na. Ako na magdadala sa dyan sa maleta mo. Dapat may chocolates man lang akong pasalubong ha." Hinayaan ko na lang siya at bumaling kay Orion na kasama si Miko. Ramdam ko 'yung awkwardness nilang dalawa ni Sky.

"Ori, una na kami. Kita na lang tayo sa school. Ingat kayo pauwi." Sabay beso sa kanya.

"Yeah. Ingat din kayo. See you guys sa school." Bumeso rin siya kay Lily habang nauna nang naglakad si Sky paalis.

"Ang weird nila 'no? Tinatanong ko si Sky pero wala namang matinong sagot. Sabi lang ayaw niya ng gulo." Litanya ni Lily habang naglalakad kami.

"Hayaan na lang muna natin sila. Siguro may hindi lang pagkakaunawaan." They're both consenting adults kaya dapat maging responsable sila sa mga desisyon nila lalo na si Sky. Kailangan talaga nilang mag-usap ASAP.

Habang nasa biyahe sinabihan ko si mama na sa bahay kakain itong dalawang kasama ko. Na-miss ko rin kasi sila at hindi naman ako gano'n kapagod sa biyahe.

Si mama ang sumalubong sa amin dahil nasa school pa si Shaun. Nakita ko rin si Polaris na natutulog sa sofa pagkapasok pa lamang.

"Na-miss ko po kayo." Yumakap pa ako sa nanay ko na parang ang tagal kong nawalay sa kanila.

"I miss you too. Sige na, kain na muna kayo. May meryenda rin d'yan kung gusto niyo." Aya niya sa mga kasama ko.

"Thank you po tita. Meryenda na lang po sa amin kasi kumain na kami kanina." Saad ni Sky kaya sinabihan ni mama na kumain na lang ng turon at naglabas din ng juice.

Inaya ko na rin si Lily na maupo dahil hanggang ngayon ay mukhang nahihiya pa. Dito na kami sa dining dahil gutom ako at mahigpit na ipinagbabawal ni mama na huwag kumain sa sala.

_____

"Nice hair cut." Puri ko sa bagong gupit ni Sky. Ngayon ko lang kasi napansin dahil naka-cap siya kanina.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon