33

155 7 0
                                    

LILY

Masaya naman kagabi. Ngayon ay ang scuba diving namin at maagang nagising ang lahat, 'yung iba may konting hangover pa. Mabilis lang din ang naging breakfast dahil tuturuan muna kami bago sumabak sa activity mamaya. It's not my first time actually at ilang beses na akong nakapag-dive kaya sina Lukas, Stacey at Orion ang ibri-brief at tuturuan ng mga hand signals.

Sa ngayon kasama ko si Polaris na nag-aalmusal dahil medyo late siya nagising. Naparami rin kasi ata ang nainom niya kagabi.

"Hindi ka ba sasali sa kanila or pro diver ka na?"

"Not pro, may experience lang." Tumango lang naman ito at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi talaga maipagkakaila na may itsura si Polaris. 'Yung kahit nakatayo lang siya o naglalakad ay mapapatingin ka, head turner kung tawagin. Kung sa physical appearance ang usapan ay talagang pasok na siya at check din siya sa personality. Package na kumbaga dahil 'yung ibang good-looking may ere naman sa katawan. Napapansin ko na mukhang crush niya pa nga si Stacey.

"Pakihintay na lang ako. Magbibihis lang ako tapos sabay na tayo pumunta sa kanila."

"Sige." Agad naman siyang nagtungo sa kwarto nila matapos mahugasan ang pinagkainan.

Nasa bangka na kami patungo sa may diving spot at may kasama kaming dalawang professional divers. Nagbibigay pa rin sila ng tips at mga dapat gawin o hawakan kapag nasa ilalim na.

"This is it, magiging serena na ako mamaya at makakapiling ko ang mga kalahi kong isda." With feelings and action na sabi ni Justin.

"Stop that. You're more of a shokoy than mermaid." Nagkaroon ng moment of silence dahil sa naging pahayag ni Lukas hanggang sa tumawa 'yung mga kasama naming divers at maging si manong bangkero.

"Bwisit ka. Ikaw nga mukhang shokoy sa ating dalawa. Ori, patahanin mo 'yang pinsan mo baka ipalapa ko sa mga isda mamaya. Shokoy mo mukha mo." Hindi naman pinansin ni Lukas ang pag-aalburoto ni Justin at nakipag-usap na lang kay Ace.

"Normal lang na kabahan. Mamaya kapag nasa tubig ka na mawawala 'yan." Turan ko sa katabi kong si Stacey na kanina pa tahimik at mukhang kabado pa.

"Excited naman ako pero hindi ko mapigilan kabahan. First time e." Ngumiti lang ako sa kanya at naghanda na rin dahil malapit na pala kami. Maganda ang panahon kaya magiging maayos itong experience namin.

For the last time ay nagbigay sila ng paalala sa amin at naunang lumusong 'yung isang pro diver na sinundan ng mga boys. Nang nasa tubig na ang lahat ay nagsimula na kaming sumisid. Halos lahat ata ay may dalang underwater camera at kanya-kanyang kuha ng pictures.

Tuwang-tuwa 'yung mga first-timer samantalang 'yung mga boys ay parang naglalaro lang. Masaya ang scuba diving at dapat maranasan mo ito kahit isang beses sa buhay mo. Iba kasi 'yung feeling na parang nakikipag-interact ka sa mga isda. Grabe, ang saya lang. Madaming species ng isda rin ang makikita plus corals na talaga namang nakakamangha.

Unang umahon ay si Polaris samantalang kami ay busy pa rin sa pag-explore at pagkuha ng pictures. Lahat na ata na-picturan namin. Pagka-ahon namin ay nakangiti lang kami. Si Stacey ka kinakabahan kanina ay ang laki ng ngiti ngayon, mukhang gusto pang sumisid.

"Ang saya 'di ba?"

"Super. Ang cute ng mga isa at mga corals." Tugon ni Stacey sa tanong ni Ace.

Ngayon ay tinutungo namin 'yung sinasabi nilang lagoon dito. Nakita ko na 'yon sa Facebook at ang linaw-linaw ng tubig. Habang tahimik sa biyahe ay panay naman ang sulyap ni Polaris kay Stacey at Ace na nag-uusap. Pansin ko rin na parang kanina pa sila hindi nagpapansin. Mostly kasi kapag magkakasama kami silang dalawa ang pair or nag-uusap. Kaninang umaga hindi pa sila nagbatian samantalang ayos naman sila kagabi. O baka namimis-interpret ko nanaman sila. I wouldn't have an assumption naman kapag walang mga signs pero I'm sure talaga na may something, even Justin thinks they have a special connection slash relationship.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon