38

534 8 0
                                    

ORION

Thank goodness it's rest day. Matagal ko na itong hinihintay at sa wakas dumating na rin. Rest day pero isang linggo naman ang binigay sa akin which is a good thing kasi kailangan ko talaga ng bakasyon. Konti na lang mangangamoy ospital na talaga ako. Sana lang talaga huwag nanaman akong pagbantayin ng bata pero mukhang hindi umaayon ang swerte sa akin kasi nag-ring 'yung phone ko at si kuya ang caller.

"Wala akong time magbantay ng bata ngayon." Bungad ko dahil alam ko na ang sasabihin niya.

"Hindi naman 'yon ang sasabihin ko baliw. Dito na tayo mag-dinner mamaya kasi tinatamad ako mag-drive kaya kayo na ang pumunta."

"Kahit kailan ang tamad mo talaga. Sige na, pa-hello na lang sa mag-ina mo. Bye." Mabuti na lang talaga hindi niya ipapabantay 'yung anak nila. Mabilis talaga akong tatanda sa batang 'yon, kababaeng bata ang active. Nasobrahan ata nila sa vitamins at chocolate kaya ang taas ng energy.

"Ate, kakain na tayo." Sabi ng bunso namin na kumakatok ngayon. Sinabihan ko na lang siya na susunod ako dahil hindi pa ako nakapaghilamos.

Bumati rin naman agad ako pagdating ko sa hapag-kainan at nag-lead ng prayer dahil 'yun na lang ang maiaambag ko.

"Siya na nga pala sabi ni kuya sa kanila na lang daw 'yung dinner kasi tinatamad siya mag-drive." Pagbibigay alam ko sa dalawa.

Twice a month kasi kaming nagdi-dinner together. Isa sa kanila at isa rito sa bahay pero itong kuya namin na tamad ay ginustong doon na lang kami mag-dinner mamaya. Ako pa ang pinagod sa pagmamaneho. Medyo malayo kasi 'yung bahay nila mula rito, may isang oras din 'yon.

"Ayos lang ba sa'yo na mag-drive? Sabi ko naman kasi kumuha na tayo ng driver para hindi mapagod sa pagmamaneho at para may sundo ka kapag pagod sa work." Concern na sabi ni mama at sinegundahan din ni bunso.

"Ayos lang ako ma. O sige kuha tayo ng  driver para hindi na mag-commute itong si bunso at para may driver ka rin po." Masyado silang mapilit kaya umoo na lang ako. Isa pa may edad na rin kasi si mama kaya ayaw kong nagmamaneho pa siya. Ang tigas pa naman ng ulo.

"Tamang-tama may nakuha na ako. Siya na lang magmamaneho para sa atin mamaya." Mabilis sa sabi ni mama. Kita mo nga naman, nakahanap na pala agad.

"Baka naman po hindi niyo na-check kung may papers siya? Alam niyo naman po na maraming masasamang-loob ngayon."

"Meron naman anak. May NBI clearance, police clearance, barangay clearance, may lisensya, may passport pa kasi nagtrabaho siya bilang driver sa ibang bansa. Mapagkakatiwalaan siya at siya rin 'yung tumulong sa akin noong nakaraan." Nakwento na niya sa amin 'yung taong tumulong sa kanya magbuhat ng groceries.

"Okay pero kayo lang ang ipagmamaneho niya kasi kaya ko naman ang sarili ko." Strong independent woman kaya ako.

"Pero ate, kailangan mo pa rin ng makakasama sa buhay. Huling jowa mo si kuya Miko pa at puro date na lang 'yung iba. Career wise nga pero zero love life ka naman." Isa pa itong kapatid ko na 'to masyado maraming alam.

Matagal na kaming wala ni Miko at balita ko may anak na 'yon. Actually lahat na rin ata ng friends at batch ko may mga anak na o hindi kaya kinasal na. Si Lily kasal na, si Stacey ikakasal pa lamang. Ako, tengga lang. 

"Hindi sila pasok sa standards ko kaya huwag na lang. Nandyan ka naman bunso para alagaan kami ni mama kung sakaling hindi ako makakapag-asawa." Sabi ko habang ngumunguya.

"Tama na ang asaran at kumain na lang tayo."

Matiwasay naman na natapos ang umagahan namin. Ako na rin ang nag-volunteer na mag-grocery tapos sila naman ay bibisita sa sementeryo. I can say na naka-move on na ako sa pagkawala ng kapatid namin at tanggap ko na rin pero may mga gabi na umiiyak pa rin ako. Naiisip ko 'yung buhay sana niya kung hindi nangyari ang aksidente na 'yon. Pareho silang namatay ni papa sa kalsada. Malaki ang naging epekto ng pagkawala niya sa akin na pati schooling ko naapektuhan. Muntik na akong dito magtuloy ng med school pero hindi kakayanin 'yung mga memories niya rito sa bahay kaya tinuloy ko na lang sa States. Nakaya ko naman kahit madalas ang iyak ko tuwing gabi. Hindi ko na rin gaanong iniyakan 'yung break up namin ni Miko kasi sobrang dami ko nang iniisip noong mga panahong 'yon. Malinaw din naman sa amin na magkaiba talaga kami ng priority sa buhay.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon