STACEY
Dalawang linggo na rin mula noong nangyari ang outing at balik na kami sa pag-aaral.
"Stacey, sige na kasi. Ikaw ang pag-asa ng department natin para makuha ang back-to-back na korona." Pilit ni Justin na aming department President.
Malapit na kasi ang intramural tapos ako ang napili nilang mag-represent sa department namin. Noong isang araw pa nila ako kinukulit dahil dito.
"Sige na Stacey, kami na ang bahala sa'yo. Si Justin ang magtuturo kung paano lumakad tapos contribute sa pag-rent ng gagamitin mong mga attire." Dagdag pa ni Orion na tinanguan ng mga kaklase namin.
Wala na akong nagawa kung hindi tumango. Nandito rin kasi 'yung dean namin, jusko.
"Basta huwag kayong mag-expect na mananalo tayo." Baka kasi ma-disappoint ko sila. Hindi ko ito forte kaya medyo kinakabahan ako.
"Don't worry sis, ako ang bahala sa'yo. Practice lang tayo sa lakad mo tapos keri na dahil brainy ka naman plus gorgeous pa."
"Ewan ko sa inyo at tigil-tigilan mo ako sa pambobola mo Justin." Naiiling na sabi ko dahil umoo na nga ako tapos todo bola pa rin.
Mukhang masaya ang dean namin dahil nakangiti at hinayaan na lamang kaming ipagpatuloy ang meeting. Pinag-usapan na rin namin kung sinu-sino ang mga sasali sa mga event. Sumali ako sa tennis dahil iyon naman ang sport ko pero hindi ko naman masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil kailangan focus ako sa academics dahil graduating na kami.
Mabuti na lang at natapos na agad ang meeting kaya ngayon ay uwian na at sabay nanaman kaming naglalakad ni Orion.
"Siguro mas maganda kung sa bahay na lang kayo magpraktis this weekend kaysa naman dito sa school every vacant." Suggest ng kasama ko.
"Okay lang ba? Ayos lang naman sa bahay pero mas malayo kung pupuntahan pa ako ni Justin." Opposite way kasi kami at nakakahiya naman kung papupuntahin ko siya sa bahay kapag weekend para lang turuan niya ako kung paano maglakad at kung ano ang gagawin. Dakilang kontesera kasi siya noon at laging laman ng mga gay pageants kaya tiwala akong malaki ang maitutulong niya sa akin. Siya rin ang nagturo kay Orion noong sumabak sa pageant.
"Sympre ayos lang. Update na lang natin si Jus na doon na sa bahay ang practice niyo. Nasabi ko na rin pala kay Lily na ikaw ang representative natin at congrats daw."
"Thank you pero hindi pa naman ako 'yung nanalo. Bakit naman kasi ako pa ang napili niyo." Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Madami namang pwedeng panlaban pero sila panay ang push sa akin pati mga professors namin.
"You can do it. Tinanggihan mo na nga last year kaya ako ang naging representative kaya hindi ka na pwedeng mag back out ngayon. Nandito naman kami para isupport ka kaya kalma lang." Tumango na lang ako sa kanya saka nagpaalam na.
______
"Come on Stacey, more confidence. Sayang ang ganda kung lagi kang nahihiya. Walk like a queen." Pumapalakpak pa si Justin habang minementor niya ako.
Mag-tatatlong oras na niya akong tinuturuan. Sumasakit na rin ang mga paa ko dahil sa heels na pinasuot niya.
"Okay water break muna. Huwag mong tatanggalin 'yang heels mo." Dali-dali akong umupo sa tabi ni Orion pagkarinig sa sinabi ni Jus.
Medyo nakakahiya dahil nanonood sina Polaris at ang bunso nila sa amin.
"Ayos lang 'yan, masasanay ka rin. Panoorin mo muna ako." Saad ni Orion at nagsuot ng heels bago tumayo.
Grabe. Pro na pro ang dating. Pwede na talaga siyang isabak sa Bb. Pilipinas. Orion got the confidence, beauty and brain.
"See? Easy lang siya. Just have a confidence, walk and smile." Sumimangot ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?