3

505 25 0
                                    

STACEY

Ngayon ay nandito na rin ang kuya nilang si Aries. Kilala ko siya dahil siya ang naghahatid kina Orion noong hindi pa siya bumukod. Mabait din siya at palabiro tapos good-looking din pero sabi ni Orion single pa rin siya hanggang ngayon.

"Long time no see AC at Lily. Wala ata 'yung isa ninyong kaibigan?" Bati ni kuya Aries sa amin at binati rin namin siya pabalik saka naupo sa tabi ni Orion.

"Ayaw niyang sumama kaya huwag mo nang hanapin ang wala." Sagot ng katabi niya kaya napatawa na lang si kuya Aries.

"I see. Kaya naman pala wala siya dahil tinarayan mo ata. Cool pa naman siyang kausap, sayang at wala siya. Nasaan na pala ang mga kapatid natin?"

"Nasa kusina ang bakulaw tapos si Lyra baka nasa kwarto niya pa. Titignan ko para makapagpalit na rin ako. Ikaw muna ang bahala sa kanila." Saad niya at tinuro kaming dalawa ni Lily bago nagtungo sa kwarto niya. Tumango-tango lang naman si kuya Aries sa kanya.

"Woaah bro! Long time no see. Mukhang may muscles ka na." Tumatawang sabi niya habang palapit sa amin ang kanyang kapatid na may hawak na tray na naglalaman ng juice at snacks.

"Ha ha ha, funny. Parang hindi ikaw ang nagpadala sa akin sa Sydney at tigilan mo ako sa bro bro mo na 'yan." Wika niya sa kapatid at inilapag ang hawak.
"Kain lang kayo, huwag kayong mahiya." Dagdag pa niya saka tumabi sa kuya nila which is sa tabi ko lang din.

"Wala ka bang nakilalang pretty girls doon? Sayang ang lahi natin kapag pabagal-bagal ka." Natatawang saad ng kuya niya.

"Wala at tigilan mo nga ako sa ganyang tanong mo. Ikaw nga rin itong single at  mahiya ka nga sa mga bisita." Saway niya sa kuya niya kaya na hanggang ngayon ay inaasar siya. Same height lang pala sila pero sympre mas lamang sa katawan ang kuya nila.

"Kumusta pala ang studies niyo ladies? Hindi ba pasaway si Orion sa klase?" Nagtinginan kaming dalawa ni Lily kung sino ang sasagot tapos tumango lang ito sa akin.

"Okay lang naman po. Hindi pa gaanong hassle dahil first month pa lamang at hindi naman po pasaway si Orion. Minsan lang." Honest na sagot. Hindi naman sa pasaway na as in to the highest level din.

"Stacey! Hindi kaya ako pasaway." Nagulat pa kaming lahat dahil kay Orion na bigla na lang nagsalita mula sa taas ng hagdan.

"Ano ba naman 'yan Orion. Parang ewan talaga, kung makasigaw ka kulang na lang lumabas 'yang mga ugat sa leeg mo." Sita naman ng kanyang kuya.

"Hmmmp. Good girl kaya ako." Giit niya na ikinatawa naming lahat dahil napa-nguso pa siya.

"Whatever Orion. Sila na ang nagsabi na pasaway ka, siguro kasi hanggang klase gumagamit ka ng cellphone." Wika naman ni Polaris na agad sinang-ayunan ng kuya nila.

"Minsan lang at bakit pa pinagkaka-isahan niyo ako?"

"Ewan ko sa'yo. Mamaya darating na sina Shaine at siguradong aasarin ka rin nila kaya humanda ka na." Dagdag pa ni Polaris na ikana-ungot ni Orion.

______

This time nandito na kaming lahat sa dining table nila. Ang daming nakahain sa mesa at mukhang niluto lahat ni tita. May adobo, hipon, pork chop, barbeque tapos may carbonara pa.

Panakilala rin nila sa amin ang mga kaibigan ni Polaris. Si Shaine na isang architect. Siya yung unang dumaldal sa amin ni Lily at ang dami niyang baon na jokes. Matangkad siya at morena tapos may dimples din. Sunod naman ay si Kristoff na pulis, maputi siya at medyo tahimik. Panghuli si Sharmaine na pinakatahimik talaga. Isa siyang teacher at akma ang ugali niya sa kanyang mukha na mahinhin din. Ngumingiti lang siya kapag nagkwekwentuhan silang magbabarkada. Puro good-looking silang magkakaibigan at rinig kong si Kristoff lang ang may jowa sa kanilang apat.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon