STACEY
"Stacey!" Papasok pa lang ako sa gate ay narinig ko na ang pangalan ko. Kahit hindi ko siya lingunin alam kong si Orion 'yon, siya lang naman kasi ang mahilig at matapang na sumigaw sa public places.
"Good morning sa'yo Ori at sa'yo rin Lyra." Ang cute talaga ng kapatid niya tapos lagi pa siyang may ribbon sa ulo.
"Good morning din ate AC." Bati niya sa akin saka nagpaalam na papasok na sa room nila.
"Bye-bye bunso. Hintayin mo ako kapag uwian niyo na, itetext ko ang bakulaw na agahan ang pagsundo sa atin." Bilin niya sa kapatid niya at nagyakapan muna sila. Natawa pa ako sa bakulaw na sabi niya, I guess siya yung pangalawang kapatid niya na laging missing in action ayon sa kanya.
"I'm so excited. Ang tagal na kitang inaaya tapos ngayon ka lang pumayag. Pati rin si Lily pumayag kagabi, ewan ko lang sa epal na hindi nagre-reply." Ang kulit niya naman kasi. Kagabi nag-drama pa siya para lang pumayag ako. Sabi niya ang tagal na naming magkaibigan pero hindi pa kami nakakapunta sa bahay nila tapos siya nakapunta na sa amin.
"Ori, alam mo naman na medyo busy ako kapag nag-aaya ka. Buti nga off ko ngayon at isa pa nahihiya ako." May part-time job kasi ako sa isang fast-food restaurant sa mall tapos every Friday and Sunday ang off ko.
"I know. Kaya nga masaya ako dahil nagkataon na wala kang work ngayon. Hindi mo naman kasi kailangan mag-work pa kasi may kaya naman kayo." Tama naman siya pero gusto ko pa rin makatulong sa paraang alam ko. Noong January lang naman ako nagsimula dahil maluwag ang schedule namin last semester at ngayon.
"Mamaya ka na dumaldal nandito na tayo sa room." May mga nagre-review kaya tahimik pagdating namin. May quiz kami mamaya sa isang major subject.
Naglabas na ako ng reviewer para mag-review ulit saglit kahit nakapag-aral naman ako kagabi, samantalang itong katabi ko naglabas ng cellphone. Kahit may pagkapasaway ang isang ito ay matalino naman siya. Galing siya sa Saint Louis University- Baguio tapos lumipat dito last year dahil trip niya lang. SLU pa naman ang nangunguna pagdating sa medical courses kaya doon ang dream school ko rito sa Pilipinas. Hindi lang naman dahil nangunguna sila kung hindi maganda rin kasi ang facility nila at talagang mahigpit sila sa pagdating sa pagtuturo. Maganda rin naman dito sa school namin pero hindi gano'n kaganda ang standing ng department namin.
Ilang minuto pa ay dumating na ang professor namin kaya nagsi-ayos na kaming lahat. May mga nagdadasal na, habang 'yung iba nagpakawala nang malalalim na buntong hininga. Kapag kasi may quiz kami sa major subjects huwag kang mag-expect ng perfect score lalo na kapag hindi ka nakapag-review o kahit nakapag-review ka minsan makakakuha ka pa rin ng 3/30. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ko pa naman naranasan makakuha ng mga ganu'ng score. I always make sure na nagre-review ako para kahit may surprise quiz may maisasagot ako at isa pa, I like to read kaya hindi ako napipilitan na magbuklat ng notes o books para lang mag-study.
Sapat lang naman ang talino ko kaya sinasabayan ko na lang ng sipag at tiyaga. Laking pasasalamat ko dahil nasa dean's list ako simula noong first year kaya bawas tuition din kahit papaano. Maging si Orion ay nasa dean's list din.
Tahimik ang buong silid at puro buntong hininga lang ang maririnig. Lahat naka-concentrate sa sinasagutang quiz habang ang prof. ay nasa harapan. Mabuti na lang at lumabas ang mga nareview ko kaya kumpiyansa ako na papasa ako sa quiz na ito.
Matapos ang 45 minutes ay tumayo na itong katabi ko para magpasa ng papel na sinundan naman ng iba pa naming kaklase. Kahit magkatabi kami ni Orion never siyang humingi ng sagot sa akin kapag may mga quizzes o activities. Mas matalino pa siya sa akin pero ang tamad lang niya dahil minsan hindi siya gumagawa ng mga assignments lalo na kapag konti lang daw ang equivalent na points. Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko bago nagpasa ng quiz.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?