ORION
Everything went so fast and now is our graduation day. The past few weeks ay tinapos lang namin ang mga requirements, pictorial at practice. Madalas ay magkasama kami ni Miko at hindi ko na rin kinausap pa 'yung Sky na 'yon, I don't know if it's a good thing, whatsoever. Medyo nainggit lang ako dahil gumala pala silang tatlo noon tapos hindi ako sinama, may picture pa ng dalawang bata.
"Wow naman. Ayos na ayos sis pero bilisan mo na sabi ni mama." Napairap lang ako sa dumungaw na bakulaw.
Pagkababa ay nadatnan ko ang mga kapatid ko na sa sofa. Bihis na bihis si kuya at bunso tapos 'yung isa plain black outfit ang suot.
"Evan, please change your outfit, hindi lamay ang pupuntahan natin." Mabuti na lang si mama na ang sumita. Tinamad nanaman siguro maghanap ng mga damit kaya nag-settle na lang sa shirt.
"Sige na. Maraming ladies doon mamaya at baka makita mo 'yung forever mo." Segunda ni kuya na ikinairap ng isa.
"Aiishhh. What's wrong with my shirt? I'm dressed comfortably." Angal niya kaya si mama na ang nagpunta sa kwarto niya para maghanap ng damit niya.
Isang white button up ang dala niya pagkababa at pinilit ipasuot sa kapatid naming bakulaw.
"See? Mas bagay sa'yo 'yan. Tara na." Wika ni mama sa nakasimangot na bakulaw at inayos pa ang hindi nasuklay na buhok. Pati 'yung pagkakatuck-in niya ay hindi rin maayos kaya ako na ang nag-ayos.
"Kaya wala kang girlfriend kasi ang tamad mo mag-ayos." Pang-aasar ko pero umirap lang siya sa akin. Totoo naman kasi 'yung sinabi ko. Sana lang hindi siya tumanda mag-isa, jusko.
_____
Sakto lang ang dating namin sa school dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang misa. Halos mapuno ang gym sa dami ng tao. Kanya-kanyang kuha ng mga pictures. S'ympre kami rin at si Polaris ang photographer ko ngayon kahit may official photographer namin na kinuha ang school. Agad ko namang nakita si Stacey sa kung saan ang pwesto naming mga med tech.
"Hello po tita, tito at sa'yo rin Shaun." Bati ko sa buong pamilya niya bago kami nagbeso. Siya rin naman ay bumati sa mga kasama ko at nagpalitan din pagbati ang mga magulang namin bago umupo sa reserved seats nila.
Bago magsimula ang misa ay pinuri rin muna namin ang isa't-isa bago nakipag chikahan sa mga kasama namin. Nagiging emosyonal pa 'yung iba sa amin, pati naman ako. Lahat ng frustrations namin, sleepless nights, bagsak na quizzes, remedials at breakdown ay worth it. Hindi pa naman tapos ang journey dahil may board pa pero nakaraos kami sa college. Matapos ang chikahan ay nakinig naman kami kay Father. Marami siyang nasabi at ang huli ay sinabihan kaming magpasalamat sa mga parents namin.
Nagbigay sila ng meryenda pagkatapos ng isang oras na misa at itutuloy mamaya ang program proper.
"Nakita mo na ba si Lily?"
"Oo. Si Sky wala pa at nagsabi na male-late sila." Goodness. Pati ba naman sa graduation ay nakuha pa niyang ma-late. Unbelievable. Bago ko pa tanungin kung bakit mahuhuli siya at siya namang paglapit ni Miko sa amin.
"Hi guys. Pwede ba muna kitang mahiram saglit? Papakilala lang kita sa parents ko tapos picture lang."
"Sure. Puntahan lang namin parents niya." Paalam ko kay Stacey bago nagtungo sa pamilya ni Miko.
Ang linis ng dating niya ngayon. Maayos na nagsuklay ang buhok niya na messy look sa pangkaraniwang araw at nag-ahit din ng facial hair. Nakadagdag pogi points din ang suot niyang slacks at polo.
"Ma, ate, kuya, si Orion nga po pala. Siya po 'yung sinasabi sa inyo na nililigawan ko. Ori, meet my family." Pagpapakilala niya sa amin.
"Nice to meet you pong lahat." Medyo awkward kong sabi dahil first time naman akong maipakilala ng suitor sa parents niya e.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?