15

180 10 0
                                    

STACEY

Ang bilis lumipas ng mga araw dahil ngayon ay isang buwan na Polar sa amin. Tumaba na siya dahil ang hilig niya kumain at matulog tapos spoiled pa siya sa mga treats na galing kay Polaris.

Speaking of her medyo naging close na rin kami through chats nga lang dahil nasa kung saang lupalop nanaman siya ng mundo ayon sa kanya.

"Hulaan mo kung nasaan ako." Basa ko sa message niya at may naka-attach na photo.

"OMG. Last time nasa Spain ka tapos ngayon nandyan ka sa Japan. Anong ginagawa mo jan?" Naiinggit na ako sa mga sinesend niyang views ng mga lugar na pinupuntahan niya.

Last week sinabi niya na nasa bahay siya ng lolo nila sa Spain tapos ngayon sa Japan na siya gumagala.

"For vacation. Lol. I'm going to Konoha and just be a ninja." Minsan nonsense talaga ang mga reply niya at hindi ko maintindihan ang obsession niya sa anime. No wonder nag-click sila ni Sky, anime lover.

"Enough with the anime references already. Ano nga ginagawa mo 'jan? Pwede mo na palitan si Dora sa pagiging explorer." Minsan nga sinabihan ko siyang gumawa na lang ng travel blog o vlog para naman ma-share niya rin sa iba 'yung mga lugar na pinupuntahan. Ang sabi lang niya ay wala siyang oras para magsulat at mag-edit ng videos. Haynako.

"Hahah! Funny. Just here to buy stuffs and eat some noodles."

"RK mo naman po. Sama mo kami minsan. Lol."

"What's RK? I'll just bring you some souvenirs, what do you want?"

"RK= rich kid."

"OK. So, ano nga gusto mo?"

"Hindi na, nagbibiro lang ako e."

"Nah. Happy 1st month nga pala kay Polar. I'll buy him some toys." Gusto niya talaga ini-spoil itong si Polar kaya naiiling na lang ako at bumaba na.

"Kumusta ang pag-aaral niyo? Ikaw Shaun baka puro computer, cellphone at basketball ang inaatupag mo?" Tanong ni papa habang kumakain kami ng pananghalian.

"Hindi po. Mataas nga po mga grades ko."

"Maganda 'yan. Hindi sa pinagbabawalan kitang maglaro. Ang sa akin lang ay maging responsable ka, kayo ng ate mo. Proud kaming dalawa sa inyo ng mama niyo at pati na rin mga lolo at lola niyo." May pagka-istrikto si papa pero hindi siya madamot sa mga compliments at vocal siya kung ano ang gusto niyang sabihin o nararamdaman.

"Ayos lang din po ang naging midterms namin tapos sa January ang internship." Pagbibigay alam ko sa kanila ni mama.

"Oo nga pala nakalimutan ko na malapit na ang OJT niyo. Saan na nga ulit kayo kapag sa ibang bansa?"

"Thailand po, 2 months."

"Sige. Konti na lang gra-graduate ka na, ang bilis naman talaga ng panahon. Baka hindi namamalayan ay ikakasal ka na." At minsan ay masyado rin siyang advance sa mga bagay-bagay.

"Pa, matagal pa 'yan. Proud din kaming dalawa na kayo ang naging magulang namin kaya huwag ka na magdrama dyan." Natawa na lang kami kay papa dahil mukhang paiyak na siya.

"Nagiging totoo lang naman e. Ilang taon pa mula ngayon magkakaroon ka na ng sariling pamilya. I'm getting old na talaga."

"Papa! Ayos na sana kaso may pa I'm getting old ka pa." Saad ni Shaun sa aming ama na hindi ko na rin maintindihan.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon