POLARIS
Napagpasyahan kong bisitahin ang kapatid ko ngayong Linggo. Wala naman akong masyadong ginagawa ngayon saka sinabi rin ni mama na puntahan ko siya para masigurong ayos ang lagay niya. Sinabihan ko siyang ngayong Sabado ang flight ko tapos kita kami bukas dahil rest day din nila. Nakapunta na ako ng Thailand, dalawang beses. Mayaman sila sa kultura gaya ng Pilipinas at mga bansang Asya. Asia talaga ang gusto kong i-explore na kontinente. Bukod sa mga pagkain at iba-ibang kultura ay iba rin ang dating ng mga tao. Madalas na palangiti at masayahin ang karamihan sa mga Asyano.
"Oi. Chat mo ako kapag nandito ka na." Basa ko sa mensahe mensahe ng aking kapatid.
"K." May isang oras pa bago ang flight at nandito na ako ngayon sa airport.
Isang maliit na maleta lang ang dala ko dahil babalik naman ako sa Lunes. Dala ko rin ang aking camera dahil isa ito sa pinakakailangan kapag magtra-travel. I just like taking some pictures, mostly the people with the view. Taking shots in the middle of the crowd is so fascinating. You see different person with their emotions.
Habang nasa biyahe ay dilat na dilat ang mga mata ko. Sobra ang tulog ko kagabi at maganda ang view ko dahil naka-pwesto ako sa tabi ng bintana. Feel na feel talaga dahil sumasabay pa ang mga kanta ng Mayday Parade na pinapakinggan ko. Bukod sa bubble gum at candies ay dapat may dala rin akong headphones o headset kapag nagbibiyahe. Hindi naman maiiwasan na may batang umiiyak sa loob ng eroplano kaya mabuting magdala ng panangga sa ingay.
Alas-sais na kami nakarating at sinabihan ko si Orion na maaga kaming magkikita bukas. Nasabi ko rin kay Stacey na bibisitahin ko ang kapatid ko pero hindi ko nasabi na ngayon ako darating. Madalang na kaming mag-usap at kahapon lang ay nag-celebrate siya ng birthday niya.
Muli akong ang send ng message kay Orion na isama na lang si Stacey bukas. Ililibre ko na lang silang dalawa bukas at bibisita sa ilang pasyalan dito. Alam kong kahit isang buwan na sila rito ay hindi pa nila nasusubukan ang sikat na floating market at ang mga dinadayong elepante.
______
Shit. Alas-otso na pala. Napasobra ang tulog ko at hindi pa nag-alarm ang phone ko dahil naka-silent mode pala. Pagbukas ko sa Messenger ay puro chat ni Orion, nagtatanong kung naka-ayos na ako. Mabuti na lang malapit ang lugar kung saan kami magkikita kaya mga sampung minuto lang ay nakaligo at bihis na ako.
"Late ka na. Ang lakas ng loob mong magsabi ng dapat agahan tapos ikaw itong huli." Bungad na sabi niya. Wala man lang good morning o kumusta. Galit agad e.
"Pasensya na. Late na kasi ako nagising. Ready na kayo?" Hinging paumanhin ko sa dalawa. They look good. Turista lang ang datingan dahil parehong my may bitbit na camera.
Dinala ko muna sila sa isang restaurant para makapag-breakfast. Gutom na ako at ngayon ko lang naramdaman. Sila naman dessert lang dahil kumain na sila bago pumunta sa meeting place.
_______
Templo ang una naming dinayo matapos kumain. Maraming mga turista ang nandito rin at 'yung dalawa panay kuha ng retrato. Muntik pa kaming 'di papasukin dahil hindi appropriate ang pang-itaas na damit ng kapatid ko. Mabuti na lang naka-suot ako ng checked long sleeves kaya binigay ko na lang sa kanya. Dapat kasi covered ang balikat tapos sa baba naman ay hanggang tuhod na shorts o skirt. 95 percent sa mga tao rito ay Buddhist kaya karamihan sa kanila ay konserbatibo. Meron din namang mga liberated dito lalo na centro ng Thailand ang Bangkok.
"Kumusta?" Tanong ko sa katabi ko na si Stacey habang pinapanood si Orion na busy pa rin sa pag-picture.
"Maayos pa rin. Ilang linggo na lang ay matatapos na namin ang internship."
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?