STACEY
Ngayon ay tinatahak na namin ang daan patungo sa bahay nang biglang inihinto ni Polaris ang kotse sa isang gilid.
"Nagugutom na ulit ako. Tara muna sa labas." Tumapat pala kami sa mga nagtitinda ng street foods.
"Really? Kakakain lang natin kanina tapos gutom ka ulit?" Wika naman ni Orion na naiinis.
"Pinagbitbit mo ako kaya nagutom ako. Kung gusto niyo maiwan muna kayo rito sa loob." Turan niya at saka lumabas. Maging ako ay nagutom pagkakita sa mga iniihaw.
"Sige na labas na tayo. Matagal na rin noong huli akong kumain ng isaw." Noong isang buwan pa ata ako huling kumain ng mga street foods. Tumango si Orion kaya lumabas na rin kaming tatlo.
"Sige order na lang kayo, ako na bahala. Huwag ka nang umangal." Sabay tingin ni Polaris sa akin dahil akmang tatanggi na sana ako. Nakaupo na siya sa isang table at busy sa kanyang fried siomai habang hinihintay ang pinaihaw niya.
"Kuya sampong isaw at chicken barbecue, anim na hotdog tapos limang betamax pa po. Padagdag na rin po ng kinse na fried siomai at kwek-kwek. Maupo na kayong tatlo." Dagdag niya ulit sa tindero at naupo na kami sa harap niya. Pinagtitinginan kami ng ibang costumers dito, ewan ko kung bakit. Mabuti na lang agad na na-serve ang fried siomai at 'yung kwek-kwek para hindi naman awkward. Ang dami naman ng order niya.
"Kumuha lang kayo kung may gusto pa kayo." Isaw lang naman ang gusto kong kainin kaya wala na akong maidadagdag pa.
"Mukhang ikaw ang gustong magpadagdag dahil kulang pa sa'yo 'yung mga inorder mo." Natawa lang siya sa sinabi ni Orion at tumayo para kumuha ng balot. Blessed talaga sila sa katawan dahil kahit ang dami nilang calorie intake ay hindi sila mabilis na tumaba.
Tapos na ang pinaihaw niya kaya agad na naming nilantakan ito. Mabuti na lang pala nag-stop kami dito dahil noong isang araw pa ako nagcra-crave ng isaw.
Kahapon ko lang nakilala itong kapatid ni Orion pero masasabi kong mahilig siya sa street foods. Kahapon napansin kong dalawang ulit siyang pumunta sa manong na nagtitinda ng mga kikiam at kwek-kwek tapos ngayon naka limang isaw na siya at limang betamax na plus 'yung mga kinain niya kaninang kwek-kwek at mga siomai. Hindi ko siya tinitignan habang kumakain siya, napansin ko lang 'yung mga stick na nasa harap niya. Ang bilis niya naman kasing kumain.
Muli siyang tumayo at nagpa-ihaw ulit kay manong para sa take-out niya.
"Omg. Are you really serious? Nagawa mo pa talagang magtake-out. Bahala ka kapag nagkasakit ka dahil sa sobrang pagkain mo ng ganito. Ewan ko na talaga sa'yo." Bulalas ni Orion sa kapatid na parang wala lang sa kanya na pinagsasabihan siya.
"Ngayon lang naman ito. Namiss kong kumain ng mga ganito dahil matagal akong hindi nakakain. Regular din naman ako na nag-ggym. Thanks for the concern." Balik na tugon niya sa kapatid habang kumakain.
"Ewan ko sa'yo. Bukas sasabihin ko kay mom na gulay ang ihanda para lang sa'yo." Ang cute nilang dalawa ngayon. Mas sanay kasi akong si Orion ang sinasaway tapos ngayon siya ang nagpapangaral sa nakatatandang kapatid tungkol sa kalusugan.
"Opo manang, ikaw na ang masusunod." Natawa kaming dalawa ni Lyra dahil sa kalokohan nilang magkapatid. Napansin ko rin kay Polaris na hindi siya maporma. I mean 'yung tipong show off na dapat laging cool. Kahapon sa school mukhang nakapambahay lang siya pero cool naman tignan.
Ngayon naman ganon ulit. Black shirt, jeans at slippers pero nadadala niya pa rin naman. She has this charm that can attract people. Bukod kasi sa tangkad niya ay mapapalingon ka talaga sa kanya dahil sa itsura niya. Mas lamang ang Spanish blood sa kaya hindi mo masasabing cute siya dahil ang tamang term ay maganda. Bagay din sa kanya ang short hair niya na pinakulayan niya ng blonde. I really appreciate European beauty kasi parang mga Olympus Gods and Goddesses sila.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?