STACEY
"Nasaan sila?" Tanong ni Polaris sa akin na kagigising lang.
"Nag-swimming na. Tara na, samahan na kitang mag-breakfast." 10 na kasi ngayon. Kaninang alas otso pa sila gumayak at si Shaun naman ay sinama nila. Mamayang hapunan na lang daw kami magluluto ayon sa kanila.
"Sure pero bakit hindi ka sumama sa kanila? Maganda pa naman magbabad sa tubig ngayon." Sabi niya habang kumukuha ng tubig sa ref.
May kakilala kasi si Shaine na nagmamay-ari ng rest house kaya ito na ang nirentahan nila. Kompleto ang mga kagamitan at may WiFi pa sila.
"Monthly period." Simpleng sagot ko. Bakit ba kasi ngayon pa, mabuti na lang at may baon akong pads.
"Sucks. Wait, magpapalit lang ako ng damit." Tumango lang ako sa kanya at siya naman ay pumasok ulit sa kwarto nila. Bale apat na kwarto lang ang meron dito. Magkasama sina Shaun at Kristoff sa isang room dahil bunk bed style ang kama. Kaming tatlo nina Orion at Lily. Sina Shaine at Sharmaine tapos Sky at Polaris.
"Let's go. Hindi ka rin ba nag-agahan?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Tapos na." Sumabay na ako sa kanila kanina. Hindi na namin siya ginising dahil halatang kailangan ng tulog.
"Ate, isang order nga po ng tapsilog, apat na waffles, isang coffee at pineapple juice." Order niya sa nagbabantay. Wow, ang dami.
"Center of attraction ka ngayon." Naguluhan ako sa sinabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Nagagandahan sila sa'yo kaya pinagtitinginan ka. Look around." Tumingin naman ako sa paligid at nakatingin nga sila sa pwesto namin. 'Yung iba nagbawi ng tingin pero halata namang nakatingin sa amin.
"Baliw. Hindi naman ako ang tinitignan nila kung hindi ikaw." Natatawang sabi ko sa kaharap ko.
"Bakit naman nila ako titignan? Wala naman akong tuyong laway at wala rin akong muta." Chineck pa talaga ang mukha niya at nanalamin sa kanyang cellphone.
"FYI amaze po ata kasi sila sa height mo." Sino ba namang hindi mapapatingin kasi sa ganito katangkad. Agaw pansin talaga, idagdag mo pa ang ganda niya.
"Eh? 6 flat lang naman ako. May mga matatangkad din naman dito." Kung maka lang naman siya sa 6ft. Ako nga minsan lang makakita ng 6 footer na babae.
"Kumain ka na nga lang." Dumating na rin kasi ang pagkain niya.
"Sa'yo 'yang waffles at juice." Inilapit niya pa ang mga ito sa harapan ko.
"Hindi na. Busog pa naman ako."
"Nah. Healthy sila sa katawan kaya kainin mo na." Parang Orion din ang isang ito—mapilit.
"Para sa isang 6 footer na kagaya mo masyado ka rin makulit." Natawa lang siya sa sinabi ko.
"I'm not makulit. Sige na kainin mo na ang mga 'yan. Samahan kita mag-take ng photos mamaya." Tinuro pa niya ang camera na nakasabit sa leeg ko.
"Fine pero tigdalawa tayo." Hindi kayang ubusin ang apat na waffles. Ngayon lang ata kami nag-usap na kami lang at I can say na medyo pushy din ang isang Polaris.
"Hmm but before we take photos maybe we can have some activities first." Sabi niya habang ngumunguya pa.
"Like what?"
"Jetski? Banana boating? Subukan muna natin ang mga rides pagkatapos food trip tayo. Well, iniwan nila tayo so ikaw lang ang ililibre ko." Ang hilig din manlibre ng isang ito.
"Jetski tayo pero huwag mo na akong ilibre ng foods." Hindi ako sanay na nililibre.
"Nah. It's okay tutal sinamahan mo ako ngayon at kung ayaw mo edi ako na lang ang ilibre mo. May nakita akong nagtitinda ng halo-halo try natin doon mamaya." Kumakain na siya pero pagkain pa rin ang pinag-uusapan namin.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?