13

173 11 0
                                    

STACEY

Tinanghali na ako ng gising dahil hating gabi na noong nakauwi ako. I can't believe I won, we got the crown again.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nanalo ako. Hindi ko nga matandaan kung anong sinagot ko sa huling tanong basta ang natatandaan ko ay pumalakpak sila pagkatapos kong sumagot tapos announcement of winner na. Inabot na kami ng alas dose dahil ang daming bumati saka may picture taking pa.

"Ate, gumising ka na sabi ni mama." Rinig kong sabi ng aking kapatid mula sa labas ng kwarto. Alam nilang nanalo ako dahil pag-uwi ko ay gising pa sila.

Saglit akong nagbukas ng cellphone at tumambay sa social media. Ang daming messages at friend request. Agad kong pinatay ang data at mabilis na naghilamos at nag-ayos para tumulong sa pagluluto. Mamaya pa ang dating ng mga bisita dahil lunch naman ang call time.

Pagbaba ko ay naabutan ko ang aking kapatid na busy sa paghiwa ng mga rekado tapos si mama naman ay nagluluto.

"Good morning ma, bunso." Bati ko sa dalawa saka kumuha ng isang BBQ. Mukhang inorder ni mama sa kapitbahay namin para mamaya.

"Kumain ka na tapos mamaya kunin mo 'yung shanghai na order ko." Tumango lang ako kay mama at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pansin kong ang daming hinanda si mama. Pritong isda, hipon at sisig. Parang birthday ko na ang dating dahil may pa fried chicken pa siya. Kulang na lang hotdog na may stick tapos nilagyan ng marshmallow.

"Ate, sabi pala ni papa tawagan mo siya. Saka congrats sabi nila lolo at lola." Sabi ng kapatid ko na panay ang sulyap sa BBQ.

Alam na rin nilang nanalo ako dahil mabasa ko ang message nila. Sinabi siguro ni mama sa kanila.

Pagkatapos kumain ay muli akong umakyat sa kwarto para tawagan si papa at sina lolo. Congratulations lang naman ang kanilang sinabi kaya hindi nagtagal ang usapan. Muli akong nagbihis para kunin ang inutos ni mama na shanghai.

____

Alas onse pa lang ay nandito na si Orion kasama si Lily. Hinatid lang sila ni Polaris dahil may aasikasuhin siya saglit at hahabol na lang. Wala ang bunso nila na si Lyra dahil sumama sa mama nila, magbo-bonding daw sila pagkatapos ng work ni tita ayon  kay Orion.

"Thank you sa regalo pero hindi na dapat kayo nag-abala." Paano ba naman kasi ay binigyan nila ako ng books. Gift daw dahil nanalo ako.

"You deserve that because you did great last night." Turan ni Lily na katabi ko.

"Hmm. Salamat sa inyo. Anong books ba itong dala niyo?" Tanong ko dahil hindi ko pa nakita ang mga libro.

"Kama Sutra." Natatawang banggit ni Orion. As if naman talaga may tinda sa NBS na Kama Sutra.

"Asan na pala si Sky?" Pag-iiba ko sa topic dahil baka kung saan nanaman mapunta.

"Papunta na, may dinaanan lang daw." Ipinakita pa ni Lily ang text na galing kay Sky. Bibili pa siya ng piyesa para sa kanyang laptop.

Patuloy lang ang usapan habang hinihintay 'yung iba at si Orion naman ay panay ang tingin sa phone.

"Kayo na ba ni Miko?" Tinanong ko na dahil pansin kong medyo nagkakasama silang dalawa this week. Kagabi ay nagpunta pa saglit si Miko sa backstage para lang mag-goodluck sa kanya.

"Nope. Well, he said he'll court me and I said yes." Hmm. Kaya naman pala effort kung effort 'yung guy.

"Congratulations sa'yo dahil soon ay magiging in a relationship ka na." I know Orion. Hindi siya magpapagod mag-entertain kung hindi niya naman bet.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon