12

190 13 2
                                    

Friday, araw na inaabangan ng lahat. Alas-singko na ng hapon at tapos na lahat ng championship games kaninang alas-dose. Nagkalat ang mga estudyante at dahil mamayang alas-siete pa ang main event.

Itinanghal na panalo ang koponan nina Sky sa women's basketball samantalang nakuha ni Stacey ang ikalawang pwesto sa larong tennis. Ngayon ay kasama niya ang kapwa kalahok niya para sa kanilang final rehearsal bago sila ayusan.

Nasa backstage sila at malawak naman dito kaya may kanya-kanyang table na inihanda para sa kanila at kanilang mga gamit. Tatlong katao lang din ang pwedeng mag-assist sa kanila mamayang pageant proper para hindi masyadong crowded sa loob.

"Okay girls that's all. Pwede na kayong magpahinga para maayusan kayo mamaya. Best of luck sa lahat." Wika ng kanilang choreographer bago nakipagbeso sa lahat.

Agad na lumapit si Stacey sa kinaroroonan nila Justin at agad na lumagok ng tubig.

"Sis, this is Stacey, pambato namin at Stacey ito naman si Alex. Siya ang magma-make up sa'yo dahil hindi kaya ng powers ko ang hair and make-up. Don't worry sa bayad dahil humingi ako sa mga kasamahan natin." Pakilala ni Justin sa kasama niya.

"Hello po." Magalang na bati niya sa kasama nila.

"Girl naman huwag mo na akong i-po. Just call me Alex the great." Natawa na lang naman si Stacey sa naturan niya.

"Baliw ka bakla. Paano ka naman naging great e hindi naman Alexander ang pangalan mo kung hindi Alexis." Patutsada ni Justin sa kaibigan kaya isang nakakamatay na irap ang natanggap niya.

"Whatever Justin junior. Ikaw naman kumain ka na para masimulan na natin ang ritwal." Utos niya sa kanyang alaga.

Tahimik na kumain si Stacey sa kanyang designated table. May libreng pagkain sa mga kalahok at para sa mga mag-aayos sa kanila. Kasama si Orion na mag-aassist sa kanya mamaya pero ngayon ay wala pa siya dahil siya ang kumuha sa mga susuotin niya.

Matapos kumain ay nagpaalam na magsho-shower saglit. Nakaligo naman bago dumating pero pinagpawisan sila sa rehearsal kanina.

Pagpasok niya sa shower room ay saktong pagdating ni Orion na hawak ang dalawang box na naglalaman ng heels kasama ang kanyang kapatid na siyang may bitbit sa mga gown.

"Pasensya na medyo nahuli na kami dahil kinuha pa namin itong mga sapatos sa bahay." Paumanhin niya sa dalawa.

"Ayos lang, nagshower lang siya saglit at ito nga pala si Alex 'yung sinasabi ko sa'yo, Alex meet the Marques siblings, Orion and Polaris." Pagpapakilala ulit ni Justin sa kaibigan.

"Nice to meet you Alex at hello again Justin. Labas na ako, nagpapasama si Sky kumain." Paalam niya sa tatlo at nagtungo sa para hanapin si Sky.

___

Agad niyang pinuntahan si Sky sa carinderia na katapat ng University.

"Bakit ang dami mong inorder?" Tanong niya pagkakita sa pagkaing kaharap ni Sky. May adobong manok, giniling, sisig, pinakbet tapos pritong talong pa.

"Dalawa tayong kakain kaya mauubos naman 'yan. Order ka na ng kanin kay ate." Utos ni Sky sa kadarating na Polaris na agad tumalima.

"Asan 'yong mga kasama mo at mag-isa ka lang ngayon?"

"Busy sila at gusto kong kumain mag-isa pero sinabihan ako ng kapatid mo ayain kita." Paliwanag ng isa habang may laman pa ang bunganga.

Naiiling na lamang si Polaris sa inasta ng kasama. Wala ata talaga sa bokabularyo niya ang salitang table manners.

Matapos nilang kumain ay nagtungo na sila sa gym dahil nasa loob na si Lily at naka-reserve na rin siya ng upuan para sa dalawa.

_____

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon