POLARIS
"Gusto ko rin po magkaroon ng pet." Sambit ng bunso namin habang sinasamahan ko siyang nanonood ng Doraemon.
"What do you want?"
"I want a cat and dog but I can't because I'm allergic to their fur. Fish na lang para walang fur." We really do have a cute and shy little sister. Tingin ko nature na niya ang pagiging mahiyain dahil exposed naman siya sa mga bata at ibang tao pero nahihiya pa rin siya makipag-usap.
"Okaaay. What kind of fish? Do you want Nemo? Dory? Baby shark?"
"Nooo. I want Koi fish po." Haynako. Iba rin talaga ang trip ng bunso namin. Akala ko pa naman goldfish ang hihingin na karaniwang hinihingi ng mga bata.
"Why Koi? Hindi naman tayo Japanese." Humagikgik lang ito bago yumakap sa bewang ko.
"Cute kaya sila tapos po sabi sa napanood ko swerte ang mga Koi. Maybe they can help you get a girlfriend." Rinig ko na may tumawa sa likuran namin kaya agad kaming lumingon. Great. Ito nanaman ang isang mang-aasar.
It's actually a good choice to have some fish around our house and I agree with her that Koi fish brings good fortune, success and prosperity as what Japanese people also believe.
"Don't worry bunso. Bibili tayo maraming Koi fish para magka-jowa na itong kapatid natin." Napairap lang ako sa sinabi ni kuya Aries. Mabilis din naman yumakap itong katabi ko sa kanya.
"Nye nye nye. Bunso, don't listen to him. We'll buy you some fish but not because I want to have girlfriend, okay?" Mabuti na lang tumango agad ito. Mabilis din siya makaunawa at makaintindi ng mga bagay-bagay kaya alam niya kung ano ang preference ko.
"Hmmkay. I'll tell mama now." Excited na tumakbo siya sa kusina kung saan nandoon si mama.
"Don't start." Binigyan ko ng tingin ang kuya namin dahil alam kong mang-aasar nanaman.
"Kalma lang, wala pa akong sinasabi e." Minsan mas mature kausap ang bunso namin kaysa sa kanya.
"Blaaaah blaaah. Ikaw din naman walang jowa tapos lakas mo mang-asar."
"No no no. Mali ka jan kapatid. F.Y.I may girlfriend na kaya ako." Ang laki ng ngisi niya kaya alam kong nagsasabi ito ng totoo.
"Hulaan ko, sinagot ka na ni ate Maxine."
"Yep. Paano mo alam?" Curious na tanong habang nililipat ang channel na agad ko rin pinigilan. Maganda kaya ang Doraemon.
"Panay kasi ang tawag mo noong nasa Sydney kami, hindi halatang may something kayo." Phew. Panay ang tawagan nila tapos nakikita ko minsan magka-videocall.
Siya ang kasama ko noong pinadala ako ni kuya sa Sydney at masasabi kong mabait siya tapos magaling din magluto. In short Responsible and wise woman.
"Swerte ko 'no? Isang taon din kaming dating kasi gusto niya makilala pa namin ang isa't isa. Naging maayos naman lahat dahil parang couple na rin kami kasi lumalabas kami minsan para mag-date pero walang kiss and something. Kahapon niya lang ako actually sinagot dahil ayaw niya raw ngayong bisperas ng Pasko, masyadong korni ayon sa kanya." Kinikilig pa siyang nagkwe-kwento.
"Congratulations, mukhang magkaka-apo na si mama tapos kami naman pamangkin." Iiling-iling lang siya bago nagpaalam na pupunta kay mama.
Aries got a girlfriend and Orion is dating. I'm happy for them and I think I should date someone also. I just don't think it will turn out well.
_____
Buhay na buhay ngayon dito sa bahay dahil sa Christmas songs na pinapatugtog ni Orion mula pa kaninang umaga. Nandito kami ngayon ni mama sa kusina na busy sa pagluluto para sa Noche Buena mamaya. Si Orion kausap ang manliligaw niya, basta kanina pa siya may katawag. Si kuya Aries at Orion ay naman ay naglalaro sa sala.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?