STACEY
Pagkapasok ko ay agad na sinalubong ako ng mga kasamahan namin. Tinanong kung kumusta ang naging gala, kung maganda ba at kung may pasalubong kami para sa kanila. Nakipagkwentuhan kami saglit saka binigay ang mga pasalubong nila bago umakyat sa kwarto. Si Orion nakahilata agad sa kama niya.
Nakakapagod pero masaya ang araw ko ngayon. Thankful ako na inaya ako ni Orion. Mula sa temple hanggang sa pagpunta namin sa floating market ay namamangha pa rin ako.
Thailand is really a beautiful place to visit. Ipinangako ko sa sarili ko na pupunta ulit ako rito tapos pupuntahan 'yung iba pang pinagmamalaki nilang lugar at titikman ang iba pang mga putahe.
Unang beses kong makakita at maka-experience kaya iba 'yung pakiramdam sa akin. Nakita namin 'yung mga stilt houses na nakatayo mismo sa may tubig. Nakasakay sa bangka tapos mamimili ka, minsan nagkakabanggaan na. Maging magalang lang para hindi pagtaasan ng kilay at bumati sa kanila. Nakakahiya kay Polaris dahil siya ang nagbayad sa akin noong sumakay kami ng bangka. 150 baht per head pa naman tapos nilibre pa ako ng mga pagkain. In all fairness masasarap naman 'yung mga nasubukan namin lalo na 'yung noodles part. Kapansin-pansin din na marami silang ilog dito at ito ang nagsisilbing daanan ng ilan.
Ang nagastos ko lang ay 'yung mga binili kong art crafts, souvenirs at ilang prutas. May free taste kasi sa isang bangka tapos nagustuhan ko kaya bumili na ako para na rin sa mga kasama namin. Hindi ko alam na may art stalls din pala sila kaya nagulat ako noong nadaanan namin.
Alam kong mabait si Polaris pero mas lalo ko siyang na-appreciate kanina dahil siya ang nakikipag-usap sa mga vendors kapag may gusto kaming subukan o bilhin. Minsan siya na rin ang nagre-recommend ng mga itra-try namin. Ginawa pa namin siyang photographer na hindi naman siya umangal dahil siya pa itong nagsasabi na picturan niya kami kasi sayang ang magandang background. Napansin kong gusto niya laging kinukuhanan ang crowd.
"Alam mo ba na taga rito ang unang crush ng kapatid ko." Biglang sabi ni Orion at napaupo pa sa kanyang kama.
"Sinong kapatid?"
"Si Polaris. 'Di ba nga kasi nauso 'yung Crazy Little Thing Called Love na movie ni Mario at Baifern tapos ayun naging crush na niya. Ilang ulit niyang pinanood 'yung movie at may poster pa siya noon sa kwarto niya. Nakaka-inggit lang kasi nakita na niya ng personal 'yun tapos nakapagpa-picture pa." Mahabang litanya niya na may kasamang tawa sa bandang dulo. Kilala ko rin si Baifern Pimchanok dahil nanonood din ako ng movies nila ni Mario noong mga highschool pa kami.
"Don't worry. Malay mo makita rin natin si Mario Maurer dito." Crush niya kasi si Mario Maurer. Asang-asa siya na sana kahit masilayan lang namin ito total ay nasa parehong bansa lang naman daw kami.
"Sana nga. Kapag talaga natapos itong internship na ito ay hahanapin ko siya para lang makapagpa-picture. Gosh. Ano pala 'yang box na hawak mo kanina?" Tukoy niya sa bigay ng kapatid niya.
"Regalo mula sa kapatid mo, birthday gift daw."
"Oh. Ano raw ba ang laman?" Nagkibit-balikat lang ako saka binuksan ang box.
Hindi ko ine-expect na isang polaroid pala ang laman, Fujifilm Instax mini7C to be exact. May kamahalan pa naman ang mga ito.
"Wow. Ang cute naman, try natin." Excited na bumaba si Orion sa kanyang kama.
"This is too much. Mahal kaya ang mga ganito." Cha-chat ko talaga ang kapatid niya mamaya. Sinama na nga nila ako sa gala nila tapos may pa ganito pa siya.
"Nah. Ayos lang 'yan at huwag mong iisipin na ibabalik mo ito kasi tatawanan ka lang niya." Sabi ni Orion habang chine-check ito.
"Chat ko siya mamaya. Una na ako sa'yo magshower." Tumango lang ito saka muling bumalik sa kama niya.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?