6

328 12 0
                                    

STACEY

"Ate bilisan mo nandito na ang sundo natin." Excited na sabi ng kapatid ko pagkakita sa nakaparadang sasakyan sa labas namin. Si mama naman ay agad binuksan ang gate.

Ngayon na kasi ang alis namin at sobrang saya niya. Noong Wednesday pa siya naka-empake at kung anu-ano ang ginawa niyang gawaing bahay para lang mapapayag si mama. Nagpaalam din kami ay papa at pumayag naman siya. Si mama naman pupunta muna sa parents niya habang wala kami.

Magalang na bumati si Polaris kay mama at maging sa akin tapos nagpakilala sa aking kapatid.

"Ang tangkad niya naman ate." Rinig kong bulong ng kapatid ko pagpasok namin sa bahay. Pinapasok muna siya ni mama para makapagkape dahil sabi niya kumain na siya.

"Alam ko. Pare-pareho lang tayo ng reaksyon." Natatawa na lang ako sa isip ko dahil maging ako at si mama ay 'yun ang unang inisip.

"Sa Hundred Islands pala ang punta niyo sabi nitong si AC sa akin." Turan ng mama ko pagkaabot niya ng kape sa aming bisita.

" Salamat po at opo tita. Don't worry kami na po ang bahala sa kanila." Tugon niya kay mama habang iniihipan ang kanyang kape.

"Aasahan ko 'yan. Medyo makulit itong si Shaun pero napagsasabihan naman." Turo ni mama sa kapatid kong nakatingin pa rin kay Polaris. Ngayon lang din ata siya nakakita ng matangkad na babae.

"Mama, behave ako pagdating doon. Promise." Nagtaas pa talaga siya ng kamay na parang nanunumpa. Ako naman ay nagtungo na sa kwarto para kunin ang bag ko at iba pang gamit.

Pagbaba ko ay tapos na si Polaris sa kanyang kape at nakikinood sa kapatid ko ng kung anong anime. Pansin kong iba na ang kulay ng suot niya dahil gray na ito. Bagay sa kanya ang mga plain shirt at light colors.

"Shaun, tama na muna 'yan. Kunin mo na ang bag mo sa taas." Utos ko sa kapatid para makaalis na rin kami. Agad naman siyang sumunod kaya lumapit ako kay mama at hinayaan lang muna na manood ang bisita.

"Mag-enjoy kayong dalawa doon. Update mo ako o hindi kaya magsend ka ng mga pictures niyo sa akin at sa papa niyo. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo." Saad ni mama at nakita kong may hawak siya pera.

"Opo ma at hindi na po kailangan ng allowance. Sahod namin last week kaya may pera pa ako." Sapat naman ang pera ko para sa pagkain at mga pasalubong.

"Sige na, kunin mo na. Baka kung anu-ano ang ipabili ng kapatid mo. Para na lang sa kanya 'yan." Kinuha ko na lang ang pera dahil tama rin naman siya. Mangungulit talaga si Shaun kapag may gustong ipabili tapos magtatampo kapag hindi binili.

_____

"Nauna na pala sina Kristoff at Shaine dahil sila ang nag-ayos sa tutuluyan natin." Pagbibigay alam ni Polaris sa akin habang nasa biyahe kami patungo sa kanila. 'Yung kapatid ko tahimik lang sa likod na naka-earphone pa.

"Eh sino ang kapalitan mo sa pagmamaneho? Sa itsura mo ngayon parang kulang ka pa sa tulog." Paano ba naman kasi hatalang kulang sa tulog o hindi kaya wala talagang tulog dahil sa mga mata niya na masyadong agaw pansin ang eyebags.

"About that matter nakausap ko na si Sky na siya muna ang mauunang magdrive. Nandoon na siya sa bahay kanina pa. Maaga kasi akong nagising kaninang umaga para pumunta kay kuya dahil may tinapos lang kami. Pasensya na rin kung amoy grasa ako o kung ano. " Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi naman siya amoy grasa o ano pero medyo madumi nga lang ang damit niya. Tahimik lang ang naging biyahe patungo sa kanila.

Nang makarating sa kanilang bahay ay si Sky ang sumalubong sa amin at siya na rin ang nagbitbit sa mga bags namin.

"Long time no see Shaun, tumatangkad ka lalo." Natatawang bati niya sa kapatid ko at nag apir pa sila.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon