STACEY
Nagbibiro lang ako naman sa sinabi kong piggy back ride pero sineryoso naman niya kaya nakasampa tuloy ako ngayon sa likod niya.
"Alam kong mabango ako pero huwag mo naman ako masyado singhutin."
"Hmmp. Hindi nga kita inaamoy, ang kapal mo ha." Tumanggi ako dahil hindi naman talaga totoo. Kung anu-ano nanaman sinasabi kasi e. Alam ko namang mabango ko siya.
"Oookay. Bakit ang gaan-gaan mo? Mas mabigat pa 'yung isang kabang bigas kaysa sa'yo." Sobra na rin siya manlait sa akin. Hindi ko inaano tapos siya itong madaming say.
"Mukhang hindi mo nga ako mabuhat at hinihingal ka na." Hindi naman talaga siya hinihingal dahil mukhang sanay na ito sa pagbubuhat ng mabibigat. Ngayon lang pala ulit ako nabuhat ng ganito at feeling ko naging bata ulit ako.
"Oo nga, ako naman kaya buhatin mo?"
"Laki-laki mo. Hindi kita kayang buhatin baka mabalian pa ako." Asa naman siya. Mas malaki pa siya akin.
"Grabe ka naman. Nasa 50 kilos lang naman timbang ko."
"Kahit na. Mabigat pa rin 'yon tsaka malapit na nga tayo." Ngayon lang ako mag-iinarte kaya susulitin ko na.
"Daya. Basta 'yung ramen ko pag-uwi." Muling paalala niya na ikinatawa ko. Parang makakalimutan ko naman kasi e lagi niyang pinapaalala.
"Opo boss hindi ko naman makakalimutan." Hindi naman halata sa kanya na miss na niya kumain ng noodles. As in.
"Baba ka na nandito na nga tayo." Turan niya kaya agad akong bumaba at siya naman ay pinaikot 'yung mga braso at balikat niya.
"Grabe namang exercise 'yon at pinagpawisan pa ako."
"At dahil d'yan kailangan mong kumain ng marami. Sakto nagtatawag na sila." Rinig na kasi namin ang boses ni Justin mula sa kinatatayuan namin.
"Nandito na pala kayo. Tatawagin ko pa lang sana kayo para kumain na. Tara na, nandoon na silang lahat pwera sa inyo." Iba 'yung tingin na ipinupukol sa akin ni Justin at sumenyas na mag-uusap kami mamaya. Mangungulit nanaman siya panigurado at aasarin lang ako kay Polaris.
"Sweet niyo kanina, label na lang kulang. Haba talaga ng hair mo sis." Mahinang sabi ni Justin habang naglalakad kami pagkatapos kumain. 'Yung iba nasa kani-kanilang kwarto nagpapahinga.
"Ewan ko sa'yo. Sumampa lang ako likod niya tapos sweet na 'yon? Malisyoso ka talaga."
"Sus. Kunwari ka pa. Todo ngiti ka nga kanina na parang kilig na kilig. Ikaw na sis."
"Mukhang ikaw itong kinikilig. Nakangiti lang ako dahil binibiro niya ako na buhatin ko rin siya. Kilig ka d'yan." Pahayag ko na mukhang hindi niya pinaniniwalaan.
Siguro nga sweet kami sa mata ng ibang tao dahil feeling ko rin harmless flirting ang nangyari kanina. May mga subtle gestures siya towards me na pakiramdam ko masyadong sweet. Akala niya siguro hindi ko napapansin 'yung pagtitig niya kanina dahil nakasuot siya ng sunglasses.
"Basta para sa akin okay naman kapag maging kayo. Botong-boto ako sa kanya if ever man ligawan ka niya."
"Bahala ka. Picturan mo na lang para hindi sayang itong view." Hindi ko na talaga kaya 'yung mga sinasabi niya.
Hands down talaga ako sa lugar na ito. Napakagandang tanawin at mapapasabi ka na lang talaga na It's more fun in the Philippines. Isa ito sa lugar na masarap balikan dahil ganda niya at malinis din.
________
Kinaumagahan ay medyo nahuli ako ng gising dahil nakapagluto na sila pagdating ko sa kusina.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?