STACEYKahit sino naman siguro magkakaroon ng paghanga sa isang tao lalo na kung attentive ito sa'yo at maraming good qualities. Ang laking impact sa akin ng good qualities lalo na kapag masyadong pang attentive gaya nitong katabi ko.
"Alam mo ba 'yung kwentong barbero na may tinatagong taong-ahas daw dito? Ayon sa sabi-sabi may may hidden room daw dito tapos kapag nagustuhan ka ng nilalang na 'yon ay kukunin ka niya." Kung wala lang talaga kami ngayon sa loob ng mall ay malamang humagalpak na ako sa tawa.
"Kabahan ka na, mukhang ikaw ang unang kukunin."
"Hindi rin, feeling ko mahilig 'yon sa mga tsinay. Kasi nga 'di ba Chinese may ari nitong mall kaya mas kapani-paniwala pa kung ikaw ang kukunin." Iniwan ko na lang siya at agad pumasok sa arcade sabay nagpapalit ng token.
"Marunong ka ba maglaro ng Mortal Kombat?" Tanong ko sa kadarating na kasama ko.
"Oo, game?" Akala niya ata matatalo niya ako. Medyo magaling kaya ako mag-combo sa larong 'to. Pinatunog pa talaga niya ang mga daliri niya.
"Paano nangyari 'yon? Hay nako, naa-amaze na talaga sa'yo. Ibang klase ka talaga." Matapos ang tatlong laro ay natanggap na rin niya na talo siya. Nakakatawa dahil gulat na gulat pa siya noong unang laro.
I'm really enjoying her company. Masasabi kong mas madaldal siya kasi kung anu-anong urban legend ang nakwe-kwento niya tapos nagjo-joke na siya lang din natatawa. Hindi naman daw pala effective 'yung mga jokes na nakuha niya sa Google.
"Better luck next time. Tara, lipat tayo ng game." Mabuti na lang may mga adults din dito kaya hindi gaanong nakakahiya na maglaro ng mga pambata.
Sa second game ay siya na ang pumili at baril-barilan pa ang napili niya. I'm not into shooting games pero sinabayan ko na lang siya dahil pwede namang dalawang players ang maglalaro.
"Anong bansa ang mahilig sa aso?"
"Ano?"
" Edi aso-tralia." May kasama pa talagang malutong na tawa mula sa kanya.
"Last mo 'yan. Kung may award lang sa most corny jokes ay siguro hakot awards ka." Saad ko habang nakatuon ang atensiyon sa pagbaril sa mga zombies.
"Nakakatawa kaya 'yon. Feeling ko nga ka-level ko na si Vice Ganda sa pagpapatawa. Huwag mo kasing pigilan ang pagtawa mo." Confident na confident pa talaga siya sa mga sinasabi niya pero natawa ako sa Vice Ganda part niya.
"Vice Ganda level ka d'yan at hindi kaya ako nagpipigil ng tawa. Corny talaga mga jokes mo na galing pa sa Google."
"Nah. Admit it, nakakatawa naman talaga kahit corny. Kita mo napapa-smile na kita." Hindi lang ito madaldal, makulit din pala.
Pagkatapos sa shooting game ay sa mga claw machine naman kami naglaro—siya lang pala. Siya na rin ang nakaubos sa tokens ko pera wala naman siyang napanalunan man lang.
"May daya talaga ang mga claw machine rito. Kapag sa ibang bansa ang dali-dali makakuha tapos dito konti na nga lang malalaglag pa. Unfair." Mga limang minuto na siyang nagrereklamo at wala naman akong magawa para patahimikin siya kaya inaya ko na lang mag-shawarma.
"Alam mo para kang bata na nagta-tantrums." Sita ko sa kanya dahil kitang-kita sa mukha niya 'yung frustration dahil lang hindi niya nakuha 'yung isang item sa machine.
"Sinong hindi mauurat kapag half inch na lang tapos nalaglag pa. Naubos na 'yung tokens tapos wala man lang nakuha. Wait mo ako, bili ako ng ice cream natin." Sabay tayo at lapag niya sa paper bag na naglalaman ng mga books ko.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?