28

135 9 1
                                    


ORION

Sino ba namang hindi maiinis kapag pagod ka na nga at gusto mo na lang magpahinga tapos may isang asungot na makulit pa rin. Nagulat pa ako dahil nagmessage sa akin si Stacey kanina na bumaba muna ako saglit dahil may sasabihin si Sky. Sasabihin my ass.

Wala akong nadatnan sa sala pagbalik pero nakita kong may isang bukas na room kaya tinungo ko na. Hindi ko alam kung anong room ito pero mukhang extra room dahil may mga extrang gamit at may nakita pa akong gitara.

"Now let's talk." Turan ko sa taong humihigop lang din ng kape. Tumayo lang ito at inabot ang isang jacket na hindi ko alam kung saan niya nakuha pero alam kong sa kanya.

"Hindi ako giniginaw."

"Hindi rin ako komportable makipag-usap kapag ganyan ang itsura mo." Napadako ang tingin niya sa may bandang dibdib ko. Kaya naman pala.

"Upo ka muna. I'll turn off the lights then we can start the talking." Hindi ko alam kung anong trip niya pero umupo na lang din ako at saka niya sinara ang pinto bago pinatay ang ilaw. Ilang saglit pa ay nagsindi pa siya ng kandila.

"Ito ang magsisilbing time limit natin. Kapag naubos siya tapos na rin ang usapan." Ang daming alam jusko. Medyo malaki naman ang kandila na sinindihan niya at sa tantiya ko ay mga isang oras ang aabutin. Ibig sabihin isang oras kaming mag-uusap?

"Naalala mo ba noong una tayong nagkita? Ako kasi oo. Napagtanungan mo ako ng mga direksyon at pinagkamalan mo pa akong lalake." It's because she looks like a boy and she's wearing a cap that time.

"You're an asshole." That time kasi mali 'yung sinabi niya na direksyon. Mabuti na lang nakita ko rin 'yung direksyon sa bulletin board.

"Whatever. After that encounter nagkita ulit tayo tapos nagulat ako noong pinakilala ka sa amin ni Stacey. Ang sama ng tingin mo noong mga oras na 'yon. Tsk."

"Akala ko ba mag-uusap? Ito ba ang pag-uusapan natin?" Iritang tanong ko kasi hindi naman ganito ang expected kong topic.

"Kalma lang. Mahaba pa ang oras."

"What happened Sky?" Seryosong tanong ko. Siguro naman deserve ko rin ng explanation mula sa kanya. Why is she acting like this?

"What do you think happen Orion?" Binalik niya 'yung tanong sa akin at seryoso na rin ang tono niya.

"How should I know? Bigla ka na lang umiwas, no, bigla mo na lang ako hindi pinansin. I returned the favor. Konti na lang iisipin ko na nagseselos ka kay Miko dahil noong nag-date kami ay umiwas ka na. Hindi mo naman siguro ako gusto kasi 'di ba sabi mo hindi ako ang type mo?" Hinintay kong sumagot siya pero malalim lang na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya.

"Do you like me?" Hesitant na tanong ko dahil hindi naman siya sumagot kanina.

"Sa tingin mo ba gusto kita?"

"Malay ko sa'yo at bakit mo binabalik 'yung tanong sa akin?" Sira ulo pa 'tong kausap e.

"Paano kung sabihin kong oo, anong gagawin mo?" Ano nga bang gagawin ko?

"Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin para matapos na ito. I'm dead serious Sky." Naiirita na ako sa mga tanong niya. Ako dapat itong nagtatanong sa kanya at siya itong sasagot hindi magbabalik ng tanong.

Tumayo lang naman ito at binuksan muli ang ilaw bago may kinuhang kung ano sa isang drawer sa binigay sa akin. Larawan na kuha pagkatapos kong manalo noon bilang University Queen. Kinuha rin niya ang gitara na nakasabit sa dingding at nagsimulang mag-strum.

"Standing close to me, close enough to reach, perfect time to tell her
But I can't even put two words together

Paralyzing eyes, getting my disguise
Can't you see me hiding?
What am I afraid of her finding?

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon