POLARIS
Kanina talaga habang nagdi-dinner ay kinakabahan ako. Hindi naman ako manliligaw o jowa na ipapakilala pero kulang na lang mangatog ang mga tuhod ko. Mabuti na lang mahilig sa mga kotse ang papa niya kaya nagkaroon kami ng maikling kwentuhan. Pinuri niya pa itong kotse ko at tinanong kung ano 'yung mga pinapalitan ko tapos mga binago. Unang beses din niya maka-encounter ng babaeng mahilig sa kotse at marunong magkumpuni. Feeling ko tuloy may plus points ako.
Matapos ang kwentuhan tungkol sa mga karanasan ko ay nakarating na rin kami sa venue. Namangha pa itong kasama ko pagkababa at agad naman na lumapit sa amin si Orion naunang dumating kasama si Lily at Lukas. Mukhang busy nanaman 'yung jowa niya kaya sina Lukas ang sinama niya. Nagbatian naman ang magkakaibigan bago kami pumasok.
Hindi pa nagsisimula ang event pero medyo crowded na ang lugar tapos makikita rin ang mga naggagandahang car models. May ilang sikat na personalidad din akong nakikita, siguro 'yung iba car enthusiast at 'yung iba endorsers.
"Ang gaganda nga na kotse pero nakakalula naman ang presyo." Rinig kong komento ni Stacey na siyang katabi ko.
"Worth it naman siya. 'Yung quality naman ang tinitignan natin at kaya mahal ang mga kotse ay dahil sa piyesa pero mahal talaga ang mga super cars compared sa mga ordinary cars na nakikita natin." Pahayag ko sa kanya habang tumitingin sa mga display.
"Parang 'yung mga kotse mo? Halatang puro mamahalin lalo 'yung jeep mo, mahal pala ang mga gano'n." Bahagya pa akong natawa sa sinabi niya.
"Masasabi kong mahal sila pero hindi naman as in sobrang mahal at 'yung jeep na sinasabi mo ay sakto lang din ang presyo pero 'yung expensive part ay 'yung modification. Actually nasali na 'yon ni kuya sa isang exhibit before at may nag-offer ng twice the original price pero hindi ko binigay." Good deal naman talaga pero unang possession ko kasi 'yon, as in pinaghirapan kong buuin kaya hindi ko magawang ibenta at ilang years pa lang sa akin 'yon.
"Wow. So, magandang business pala talaga ang sasakyan. Kaya ata pati si papa nahuhumaling sa mga kotse."
Tungkol lang sa mga kotse ang pinag-uusapan namin. Minsan ine-explain ko sa kanya 'yung mga bagay na hindi niya maintindihan tungkol sa mga kotse at nagtatanong din naman siya. Humiwalay naman kasi 'yung tatlo sa amin kaya kaming dalawa lang ang nag-uusap. Tumingin kami sa mga bagong labas na model ng iba't-ibang brand at mostly ako lang ang nagsasalita dahil pinapaliwanag 'yung mga bagay na tinatanong niya. Halatang wala talaga siyang idea sa mga ganitong bagay at willing naman akong mag-explain.
"Madalas ka bang pumunta sa mga ganitong event?"
"Minsan lang kapag may kasamang mga kaibigan at minsan din si kuya."
"So, sanay ka rin makakita ng mga sexy na babae." Hindi 'yon isang tanong kung hindi statement talaga na sinabi niya.
"Medyo lang. Hindi naman sila ang tinitignan ko kapag ganitong event kung hindi mga sasakyan. For me, mas maganda ka pa rin." Ito talaga 'yung tinatawag na shameless flirting.
"Alam mo ang lakas mo mambola, kanina ka pa."
"I'm just saying the truth. Maganda ka naman talaga sa paningin ko at hindi iyon bola." Sa tingin ko ay nag-blush siya sa sinabi ko at nagawa pa akong iwan. Nagbla-blush din pala siya. Terno nga kami ng outfit, naka-casual lang kami pareho pero 'yung top niya same color sa suot kong hoodie.
Sinundan ko na lang siya sa gawi nina Orion na nanonood ng performance. Ang gara ng event na ito at may pa artista pa silang performer.
"Psst. 'Bat mo naman ako iniwan?" Bulong ko kay Stacey na nakatuon ang atensyon sa artista.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?