1

1.8K 34 1
                                    

POLARIS

"Mom, ayaw ko ng party. Ayos na sa akin ang dinner lang dito sa bahay kasama kayo. Besides hindi naman ako 7  para mag-invite pa tayo ng mga bisita." Sabi ko sa nanay ko na busy sa paghiwa ng sibuyas habang ako naman ay nakaupo sa harapan niya na kumakain ng siomai na binili ko pa sa labas.

Birthday ko bukas pero siya itong nagpla-plano at gusto niya may mga bisita.

"Ano ka ba naman Evan, pagbigyan mo na ako. Ngayon ka nga lang ulit dumating dito sa bahay tapos ganyan ka pa. Hindi naman totally na party kung hindi dinner lang kasama ang mga close friends mo tapos tayo. Ang tagal ko na rin na hindi sila nakita at sigurado akong namiss ka nila." Kagagaling ko lang kasi mula sa Sydney. 3 buwan lang naman ako roon at umuwi dahil nga birthday ko.

Close rin ang nanay ko sa tatlong kaibigan ko kaya namiss niya rin siguro, lagi kasi nilang binobola ang nanay ko kaya ayan naging malapit sila. BTW, my name is Polaris Evan Marques. Evan ang tawag sa akin dahil baka magkalituhan kapag tinawag akong Aris e Aries ang pangalan ng kuya namin.

"Mom, busy ang tatlong iyon." Totoo naman, may mga trabaho rin sila hindi gaya ko na tambay. Mga professional ang mga iyon at bigatin pa.

"Sinabihan ko na sila at darating sila bukas. Saka ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ibaba mo 'yang paa mo, para kang tatay mo." Kamukha ko kasi si dad at hindi ko alam kung bakit pati ibang habit niya nakuha ko rin ata. Ibinaba ko na lang ang paa ko at umalis na sa kusina para tignan ulit si Lyra na gumagawa ng assignments.

Naabutan ko siyang seryosong nagdra-drawing kaya agad akong lumapit para silipin kung ano iyon.

"Wow! Is that me?" Turo ko sa isang tao na ginuhit niya. Mukhang nagulat ko pa siya pero tumango naman ito.

"Yes po. You like wearing black shirts so I draw you with a black shirt also." Nakangiting sabi niya sa akin. Lagi kasi akong tinatamad mamili ng mga damit kaya puro black na lang ang binibili ko para hindi na hassle at hindi mahirap labhan. Hindi ko naman din kailangan ng maraming damit pang porma dahil minsan lang naman ako lumabas at sa linya ng trabaho ko hindi kailangan magarbo ang damit.

"This one is kuya Aries because he's wearing suit and tie tapos this one is ate Orion with her long eyelashes, this is me with my ribbon and the last one is mommy wearing her apron. I also included daddy." Natawa ako sa mga descriptions niya lalo na kay Orion. Masyadong maarte sa katawan ang isang 'yon kaya kapag may pupuntahan kami madalas kaming nahuhuli dahil sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang obsession nitong bunso namin sa ribbons, gusto niya lagi siyang may ribbon sa ulo. Nakita ko ang ginuhit niyang si daddy—may halo siya ulo at nakatingin sa amin. He's now our angel.

"Ang galing naman ng bunso namin mag-drawing. I'll buy you some color pencil next time para mas maganda ang magiging outcome ng gawa mo." Maganda kasi ang drawing niya kaya bibilhan ko siya ng gamit niya para mas gumanda pa ang mga drawings niya. Gusto ko pang ipa-frame ang gawa niya dahil ang ganda naman kasi at dapat lang na i-display dito sa loob ng bahay.

"Hindi naman po kailangan. I have lots of pencils and colors, look oh." Itinuro pa niya ang mga lapis at color na nagkalat sa table. Mukhang napansin din ni mom ang talent niya sa pagguhit kaya binilhan niya ng drawing materials.

"Punta na lang tayo sa mall next weekend tapos ililibre kita ng mga favorites mo at bibili ng mga bagong books." Gusto ko namang magbonding kami kasi medyo matagal akong nawala.

"Sama ako!" Nandito na pala ang pinakamaingay na kapatid namin. Hindi lang pinakamaingay kung hindi pinakamaarte pa.

"Hindi pwede. It's just Polaris and Lyra bonding time kaya bawal ka sumama." Ang takaw niya pa kasi kaya ayaw ko siyang sinasama kapag lalabas kami ni Lyra dahil uubusin niya lang ang laman ng card ko. Ako lang din nagbibitbit sa mga binibili niya. Biruin niyo iyon, pera ko na nga pinambili tapos ako pa magdadala.

First and AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon