ORION
"Bakit ka nakabusangot dyan?" Tanong ng bakulaw kong kapatid na hanggang ngayon ay nagmamaneho pabalik sa bahay.
"Wala at isa pa hindi kaya ako nakabusangot." Naiinis lang ako dahil kanina pa ako nagtetext sa pabebeng Sky na 'yon pero hindi niya pa ako nirereplyan. Nag-sorry na nga ako tapos deadma lang siya. Bahala siya sa buhay niya, dapat nga mag-sorry din siya sa akin dahil siya naman ang nauna.
"Eh bakit kulang na lang basagin mo 'yang cellphone sa higpit ng hawak mo?" Mukhang tama siya dahil hindi ko namalayan na ang higpit na pala nang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Poor phone.
"Mag-drive ka na lang, mamaya mabangga pa tayo. Dami mong napapansin" Sabi ko na ikinailing niya lang. Na-miss ko rin itong bakulaw kahit papaaano.
"Siguro may boyfriend ka na tapos hindi mo lang sinasabi sa amin? Umamin ka na." Saan nanaman nanggaling ang mga ganitong tanong?
"Wala nga at kung meron man edi sana pinakilala ko na sa inyo. Kahapon mo pa ako tinatanong tungkol sa boyfriend thingy. Baka ikaw itong may girlfriend. " Jusko. May mga flings naman ako pero hanggang doon lang.
"Okay, kalma ka lang. Nagtatanong lang at bakit nanaman napunta sa akin ang topic?"
"Kalma your face at bakit mo nililigaw ang topic? May girlfriend ka na siguro?" Masikreto rin itong bakulaw minsan.
"Wala nga."
"Edi wala. So, what can you say about my friends?" Tanong ko naman sa kanya dahil gusto kong malaman kung ano ang opinion niya sa mga kaibigan ko.
"They're good. Mababait sila at magaganda rin. Hindi ko nga alam kung bakit mo sila naging friends." Seryosong sabi niya kaya hinampas ko siya lap niya. Bakit ba kasi ako napapaligiran ng mga epal? Mabait din naman akong anak, kapatid, kaibigan at kapwa—in short mabait akong tao. Well, sympre hindi everytime.
"Hah! Ang kapal ng mukha mo talaga. Kaya ka walang jowa dahil ang mean mo sa akin." Lagi na lang niya akong inaasar at binubwisit. Nagawa pa niya akong pagtawanan ngayon. Match sila ni Sky na isa ring epal.
"Hmmm. Ikaw din naman."
"Nyenyenye. Whatever."
"At isip-bata pa." Naiinis na talaga ako dito sa bakulaw na ito kaya hindi ko na lang siya pinansin.
Pagdating sa bahay ay agad akong pumunta sa aking kwarto para kunin ang regalo ng bakulaw kong kapatid. Binili ko kasama si Stacey kaninang lunch.
"Akala ko ba matutulog ka na?" Tanong niya nang maabutan ko siya sa sala na nakahiga sa sofa habang nakatuon ang atensyon sa kanyang cellphone.
"May ibibigay lang ako. Happy Birthday." Sabay hagis ko sa hawak kong paper bag at nasalo na man niya.
"Ano naman ito?" Ang dami pang sinasabi jusko.
"Buksan mo na lang." Agad niyang binuksan at tumingin lang siya sa akin.
"Cellphone?"
"Ay hindi. Rice cooker 'yan kung nagtataka ka pa." Pilosopong sabi ko dahil para siyang tanga na nakatingin lang sa akin.
"May cellphone naman ako bakit kailangan mo akong regaluhan?" Ang dami niyang tanong.
"Kasi naman po 2 years mo nang gamit 'yan kaya naisipan ko na bilhan ka ng bago. Mataas ang storage niyan huwag kang mag-alala." Alam ko kasing lagi siyang nagdo-download ng mga anime at movies kaya binilhan ko siya ng bago na mataas ang storage at dinagdagan ko na ng OTG na 1TB kung sakaling kulangin siya. For work purposes lang daw kasi ang laptop niya kaya hindi pwedeng doon siya manood tapos sa TV naman minsan si mom ang nanonood o hindi kaya si Lyra.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?