POLARIS"Ang ganda kaya ng boses ko tapos sasabihin niyong pangit. FYI, lagi kaya akong pinapakanta ni lola noon tapos sabi niya ang ganda ng boses ko." Ito nanaman si Sky.
Habang nasa biyahe kami sa pupuntahan namin ay sumasabay siya sa kanta tapos naumay na siguro si Lily sa kanya kaya sinita niya. Wala kasi talaga siya tono tapos feel na feel niya pa kumanta.
"Maganda naman talaga boses mo Sky pero wala ka talaga sa tono at para kang pato d'yan." Turan ko sa katabi ko na nakanguso pa.
"Tssk. Oo na, libre mo ako mamaya ng popcorn at mangga."
Actually idea niya na sa famous Burnham park muna kami kasi gusto niyang kumain ng mangga. Ayos lang din naman kasi may ibang activities doon at malalapit lang din ang mga susunod na pupuntahan namin. Medyo traffic dahil dagsa rin ang mga turista na mula sa Maynila at ibang lugar. Summer na rin kasi kaya aasahan mo talaga ang pagdami ng tao. Nahirapan pa kaming mag-park dahil siksikan na rin ang mga parking lot, imagine alas-otso pa lang pero punuan na.
"Daming tao. Akala mo naman talaga fiesta ngayon e." Kumento ni Sky pagkababa. Medyo dry na rin pala 'yung mga sugat niya at naka shorts siya ngayon tapos.
"So, ano na nga una nating gagawin?" Tanong ko sa nangungunang Sky tapos sinusundan lang namin.
"Foodtrip muna tayo bago mga activities, namiss ko kasi kumain ng mangga." At nandito na nga kami sa tapat ng isang tindero. Nakakatakam 'yung mga manggang tinda niya.
Nagpaalam 'yung tatlo na bibili ng taho dahil hindi nila trip ang mangga ngayong umaga kaya dalawa lang kami ni Sky. Pagkatapos naman bumili ay sumunod din kami sa kanila.
"Bangka tayo pagkatapos. Baka kasi mas dumami pa ang pila mamaya at abutin tayo ng tanghali. Okay ba 'yon?" Suggest niya na sinang-ayunan ng lahat.
Ang tahimik ng mga kasama namin, puro sila tango tapos picture. Sumasagot naman kapag tinatanong.
"Gusto mo ba?" Pansin kong nakatingin si Stacey sa kinakain ko.
"Pwede ba? Naaamoy ko lang kasi 'yung alamang saka mukhang masarap nga." Tumusok ako ng isang piraso bago binigay sa kanya. Nagustuhan naman niya kaya nag-share na lang kami.
"Gusto mo pa?" Umiling na siya at nagtungo na kami sa may pila ng mga bangka.
As usual si Sky na ang nakipag-usap at deal pero ako na ang nagbayad.
"Trivia muna tayo. Alam niyo ba na ang Burnham Park ay ipinangalan kay Daniel Burnham na isang arkitektong Amerikano. Siya ang nagplano at nagdisenyo pero ang founder ay si Leonard Wood. May lawak itong 32.84 hectares at na-establish noong August 6, 1925. It is the very heart of Baguio City." Pagpapaliwanag niya habang nasa gitna na kami ng pamamangka.
"Credits to Google." Saad ni Lily sabay pakita sa phone niya kay Sky.
"Hahahah. Panira ka naman Li. Akala ko mai-impress na kayo." Buti na lang hindi ako nag-react. Napaniwala pa naman ako ng loko na 'to.
"Anyway, balita ko may buwaya raw dito. Tsk tsk." At talagang tinitignan pa niya nang maigi kung meron nga. Sira talaga.
"Pwede bang tumahimik ka muna kung puro nonsense lang din ang sasabihin mo? Kung gusto mo lumusong ka para malaman mo kung meron talagang buwaya." Ayan tuloy nairita na ang magaling kong kapatid.
"Balita ko rin nangunguha ang lake na ito ng masusungit. Tsk, ang scary naman talaga." Pang-aasar ni Sky at irap lang ang iginawad ni Orion sa kanya.
"Na uh. Mas maganda kapag asungot ang kinukuha, like you."
"Too bad. Mukhang wala pang 6ft ang tubig dito kaya malabo talaga."
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?