POLARIS
"Ori, bilisan mo naman." Tawag ko sa makupad kong kapatid. Ngayon ang alis namin papuntang Baguio tapos ang bagal niya kumilos. Susunduin pa man din namin 'yung dalawa niyang kaibigan.
"Nandito na nga po. Hindi mo man lang ako tinulungan." Ang arte niya. Maliit na bag lang naman ang dala niya dahil 3 day 2 nights kami mamamalagi roon.
"Bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi na sasama ka pala? Sasabihin mong hindi tapos sasama naman pala." Medyo inis kong sabi dahil kaninang 8 am pa sana kami bumiyahe kaso nagsabi siyang sasama pala kaya late na nga kami.
"Kumalma ka Evan, wala naman kayong hinahabol na oras. Next time rin Ori magsabi ka agad." Saad ni mama sa amin ni Orion.
"Yes ma. Sorry na nga, libre ko kayo ng lunch mamaya." Aba dapat lang na siya ang gumastos mamaya.
"Sige na. Ingat kayong dalawa sa biyahe."
"Ingat din kayo. Bunso, anong gusto mo na pasalubong?" Tanong ko sa paslit na nakayakap sa akin.
"Strawberry and ube jam po tapos peanut butter. Drive safely hmm?" As usual mga palaman nanaman ang gusto niya. Sinabi ni Sky na pwedeng isama si bunso pero noong tinanong ko ay ayaw niya naman. Quality time with friends daw kasi 'yon at saka na lang kami pupunta as family ulit.
"Noted po and I always drive carefully. Ingat kayo." Binigyan ko rin siya ng yakap at halik sa ulo bago kay mama. Maging si Orion ay gano'n din ang ginawa bago sumakay sa kotse.
Si Lily ang una naming susunduin at nakaabang na siya agad pagdating namin sa bahay nila. Humingi na rin kami ng pasensya sa kanya dahil nga na late kami at ayos lang naman sa kanya. Nagbigay pa nga siya ng ambag niya sa gas pero sinabi kong ayos lang, hindi naman ako maniningil. Na-appreciate ko actually 'yung thought niya na 'yon.
Same scenario pagdating namin sa bahay nila Stacey, nakahanda na siya at nakapagpaalam na rin sa mama at kapatid niya. May napansin lang akong similarities sa kanilang tatlo.
"Napag-usapan niyo ba kung ano ang susuotin niyo ngayon?" Takang tanong ko sa tatlo habang nasa biyahe na kami. Pare-parehas silang naka denim shorts at sando plus shoes.
"Nope. Mainit lang talaga at biyahe lang naman ito." Maiksing paliwanag ng magaling kong kapatid. Sabagay, ako nga shirt at shorts lang din na pang bahay ko pa. Pero mas maiksi 'yung suot nila.
"Okay. Saan pala tayo kakain mamaya?" Mabuti nang magtanong ngayon dahil baka tulog na sila mamaya.
"Saan niyo gustong kumain? Akin na ang lunch natin ngayon. Peace offering na rin."
"Nonsense Ori. Hindi naman malaking issue 'yon. Kami na lang ni Lily total hindi niyo naman kami pinag-ambag para sa gasolina." Napatingin ako sa dalawang nasa likod mula rear view mirror. Gustong tumanggi pero hindi ko na ginawa dahil mukhang ayaw talaga nilang nalilibre.
"Fine. Saan tayo kakain?" Tanong na agad nilang pinagdesisyunan.
Actually, limang minuto nilang pinag-usapan kung saan kakain bago nagsabi na Mang Inasal na lang para mas maraming pagpipilian. Tama nga naman dahil gusto ko ng sisig ngayon.
______
Pasado alas-dose nang makarating kami sa isang branch ng Mang Inasal. Madaming tao kaya napagpasyahan naming i-take out na lang ang mga pagkain at sa kotse na lang kumain. Ako na ang oorder para sa lahat at nagbigay 'yung dalawa ng tig-limang daan.
Inabot ako ng mahigit sampung minuto sa paghihintay bago makuha ang lahat ng order. Ang dami kasi talagang kumakain din ngayon at ang ingay dahil may mga batang umiiyak pa. Mabuti na lang pala at may 7-Eleven sa kabilang kalsada at bakante 'yung mga benches nila kaya pwedeng doon na kami kumain.
BINABASA MO ANG
First and Almost
General FictionCan they decipher their feelings? Would they remain confused and uncertain? Who'll confess first- would they confess or just walk away?