SADIST MEETS PERVERT

202 5 0
                                    

Aileen Smith’s POV

“Hahaha. Basic Math taught us the principle of contentment in life; that we can ‘borrow one’ but sometimes ‘it cannot be.’ Mukhang hindi ka talaga meant to be a basketball player. In that case, you can’t own that ball,” pang-aasar ni Kayge Palmiano.

“Edi sayong-sayo na,” pabulagsak na sabi ko at itinapon sa kanya ang bola. Nagwa-one-on-one kasi kami sa isang basketball court ngayon. Tsh. Inasar pa kasi ako. “Sisiguruhin ko sayo na makakatatlong shoot ako kapag nagharap ulit tayo.”

“Three out of a hundred? Sounds fair. Taga-abot lang ako ng bola at magsawa ka sa kakatira.” A ganun! May tanong ako.Boyfriend ko ba talaga iyan sa lagay na iyan?

“Yabang nito! Imbes na i-encourage ako,” pagdadrama ko sa kanya.

“Kidding, Aileen.” He smiled. “Ang seryoso mo kasi so I’m trying to loosen you up. Bukas, alas-syete ng umaga, hihintayin kita rito. I’ll do my best to hone your skills in this game.”

“Bakit pa ba kasi natin kailangang gawin ito?”

“Because it’s the game we love and the one which guided us to..” He’s getting extremely near…

…until I blocked his mouth with my palm. “Hep hep hep! Ano sa tingin mo ang gagawin mo?”

“Isn’t it obvious?”

“Nakalimutan mo na ba na nasa public place tayo?”

“So what?” He even raised his shoulders.

“So whatin ko mukha mo dyan e!” Sinuntok ko sa tyan ang kumag.

“Aw! You never change.. Brutal ka pa rin.”

“Hm. Suits you.” Isipin niyo ng sadistang girlfriend ako pero tama lang para sa isang pervert na kasama ko ngayon.

“Teka, huwag mong i-end ng ganun na lang ang eksenang ito! Huwag!” He exclaimed as I pulled his ears.

“Didn’t you say that you’ll train me well? Puro ka pa-cool sa readers e! Focus!” Hoho. Victory!

END

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon