9-LET US END THIS WAR

836 61 36
                                    

Dedicated po para sayo kasi ikaw ang kachat ko habang ginagawa tong chapter na to. Thanks! God bless po! Mwah mwah!! ahihi ^.^

“Niche, sorry na.. Hindi ko naman sinasadya eh.. tsaka ibinalik ko na iyong pera.. ” sabi ng kaibigan niya na kanina pa buntot nang buntot sa kanya sa gym habang abala siya sa paglilinis sa court. This isn’t her job pero gusto niya lang gawin. She feels like marami siyang dapat gawin ngayon. Walang laro ngayon kaya bwelo siya sa Sports Palace. Hindi niya pa nakakausap si Gene mula kahapon at ayaw naman niyang hanapin ito kasi baka magmuntanga lang siya sa harap nito o kaya ay mag-away na naman sila. First time niyang makasampal ng lalake at si Gene pa. Hindi niya naman sana gagawin iyon, kaya lang ay masyado siyang nadala kahapon. Si Gene naman kasi…

Somehow, nothing good will transpire if she will just continue to be bitter. She knew that there is a need for acceptance to make things better. Kahit sino pa ang may kasalanan, kailangang magbaba ng pride para maging maayos na ang sitwasyon.

“Kinapos lang talaga ko nung oras na iyon kaya ko nagawa iyon. I’m really sorry.. I am very weak.. I’m a useless friend…” Alam niyang pumapatak na ang luha ni Armie.

At sa puntong iyon ay hinarap niya na ang kaibigan.  “I already forgive you, Mhie. Hindi mo naman ginusto iyon. Tsaka hindi na mahalaga sakin kung ano ang dahilan mo, ang mahalaga, friends tayo, and nothing will change that.”

“Thank you Niche.. Akala ko masisira na talaga yung friendship natin..” Sumisinghot pa rin ito when they embraced each other.

“Shh.. Tahan na. Gusto mo patawag ko pa si Zyren para tumigil ka?” Ganito pala ang feeling ng nagpapatawad. Magaan, nakakabawas ng dinadala. Nagtaka naman siya kung bakit biglang natigilan ang kausap niya. “Why?”

“H-hindi na kasi kami nag-uusap ni Zy simula kahapon. S-syempre alam na nun na alam mo na yung ginawa namin tapos nagkaron pa kayo ng confrontation ni Gene.. Kumusta na nga pala kayo?”

“Hindi mabuti.”

“Kung magsorry ba siya, papatawarin mo?”

“Siguro.”

“Sus, anong klaseng sagot iyan? Magceasefire na kaya kayo nang tuluyan? Hindi ka ba napapagod sa set-up niyo friend? Maybe it’s time to put an end to this. Para magkaintindihan na rin kayo.”

Blah-blah-blah. They talked for ages.

She thought about it all night. And now, she feels less angry for Gene. She just can’t accept what he did.

 (AN): Ayun naman pala kasi…ahihi..

Somehow, may punto ito sa mga sinabi nito, pero kahit na, wala pa rin siyang balak umalis sa Greyhounds no!

Bandang hapon. Nakaupo si Niche sa sahig habang naglilinis ng mga bola.

“Ang tamlay mo ata..”

“G-gene??”

“Oh bakit naman parang nakakita ka ng multo?” Hindi siya nakasagot. Pumunta ito sa harapan niya at lumuhod para magkapantay ang line of vision niya. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kamay niya. “Anyways, I came here just to say sorry for everything I did. Napasobra ako sa mga sinabi ko kahapon because I was hot-headed then. Sorry for that. I knew I was wrong. Hindi ko dapat ginamit ang kaibigan mo sa plano ko para patalsikin ka sa team.”

“But you still did. Why?” Nakatingin lang ito sa kanya. “You owe me an explanation Gene.”

“Truth is, I don’t want you to leave. Hindi ko lang kasi maatim na pagmasdan kang nasasaktan habang ginagawa mo ang trabaho mo.”

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon