Dedicated to you because you are online while I'm uploading this. Thanks again for the follow. ^.^
So here's what happened next.
Hawak pa rin ang phone ni Armie, inabutan ni Niche na nagpapalit ng jersey sa loob ng locker room ang lalake. Naalala niya tuloy iyong wow-mali moment niya noon na naamin niya rito ang feelings niya kay Kayge. Nakakahiya iyon pero hindi na iyon ang importante ngayon. Hindi biro ang ginawang panlilinlang ni Gene sa kanya kaya dapat lang na makompronta niya na ito para maliwanagan siya.
“Mag-usap nga tayo Gene,” pagsisimula niya. At first she thought that because of her anger, ay masisinghalan niya ito o kaya ay masisigawan. Pero hindi iyon ang nangyari. Her tone was like begging for an explanation. Kasi naman iiiiiih… Bakit kasi? She’s really frustrated just thinking about it. Nasanay na rin kasi siya sa presence nito tapos ngayon niya pa nalaman ito. Ano ba talagang totoo? At bakin nito ginawa iyon?
“Tungkol saan naman?” Halatang hindi ito handa para sa ipinunta niya. O baka naman pinopoker face lang siya nito. She went here to hear everything about the front that this guy made just to make her go out of the team. But why is he acting like nothing matters. Well for her, this is a BIG deal!!! His attitude spoiled her patience. Enough is enough.
“Pwede ba, huwag ka ng magmaangmaangan!!”
“I wouldn’t know unless you tell me.”
“Arrggghhh!!! Bullshit!! You tell me because you did it!!! Why did you bribe Armie??”
“Whoa! That’s a leading question!” Leading question daw. Tungunung lalakeng to!! Tinatanong ng maayos, may nalalaman pang ganon.
(AN): Okay guys, baka hindi niyo gets. Leading question is a kind of fallacy. Iyon iyong tawag sa mga tanong sa korte na nagdidiin sa accused imbis na ang tunay na purpose ay magtanong. So much for that polsci thing, balik tayo sa away o gulo. Haha I’m liking it!! (mean!!!)
“Shut up! I’m not kidding! Bakit hindi ka na lang magpaliwanag?”
“Fine, so totoo nga ang nalaman mo. Sinabi na ba sayo ng kaibigan mo?” Hindi siya agad nakapagsalita. “Then Zyren failed.”
Ipinakita niya rito ang phone ni Armie na naglalaman ng messages ni Zyren. “Gusto kong malaman kung bakit mo ginawa ito.”
Tingin niya ay naintindihan naman nito na sa cellphone ni Armie niya nalaman ang lahat-lahat. “LG ka talaga kahit kelan. E alam mo namang matagal na kitang gustong paalisin sa team diba? Hindi ko kaya so umisip na lang ako ng ibang paraan para ikaw mismo ang kusang umalis.” Tumalikod ito. Isang milyong libong doble ang kirot na naramdaman niya sa sinabi nito. Ay hindi pala, mas higit pa dun. Now she knew, hindi siya makapaniwala sa nangyayari. So talagang wala ng pag-asa na maging friends sila?? Guni-guni niya lang na naging sweet ito sa kanya ng ilang beses? Napailing siya. Itinabi niya ang phone ni Armie. Enough with the proof. Kailangan niya ngayon ang statement ni Gene.
“Akala ko ba okay na tayo Gene? Ano to?” Nakahawak siya sa braso nito na parang batang nagmamakaawa na bigyan ng candy. Only that hindi candy ang hinihingi niya rito kundi paliwanag. Paliwanag kung bakit bigla na naman siya nitong ayaw makasama sa team. Kung bakit ginamit pa nito ang sarili niyang kaibigan sa planong pagpapaalis sa kanya. Pero nanatili lang itong nakatalikod. “Sabihin mo naman oh, bakit ngayon pa? Ginagalingan ko naman ang pagmamanage sa inyo ah?”
Bigla itong humarap sa kanya na siyang ikinasindak niya. “Akala mo lang iyon. Tsaka what makes you think na okay na tayo? Never!”

BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.