This is dedicated to you because you are WWTP avid reader and Gene's fangirl. XOXO HAHA. Thanks for the support. I know it has been too long, but I promised to write a story about the other characters and I never go back on my word. So, though it's kind of late, have a good time reading this.
Armie Nobleza's POV
It won’t hurt to stay single as long as you have an inspiration. Basta ba single din siya! ^__^
Hay crush, kalian mo kaya ako mapapansin? Lately, nabibitin na ako sa kaka-daydream saiyo. Mabuti pa si Niche, nakapasok na sa team kaya closeness to sawa na sila ni Kayge Palmiano ngayon. Ako kaya, kalian makaka-close ng simple at boring na Armie Nobleza ang isang panty-downer (Ugh! Nosebleed!) at hot shot number 24 basketball player ng Greyhounds na si Zyren Alcantara? E ngiti niya pa lang habang naglalaro sa court, pamatay na. Paano pa kaya kung up close and personal na? Kakayanin ko ba o kakayanin ko? Hindi kaya ako..
“Hey Miss!”
...himatayin?
After thirty minutes…
“Ha? Nasaan ako? All white? Nasaan ang gates of heaven?”
Blagh! My face met an extra pillow. “Nasa clinic ka, sira!” And the one responsible for the exercise of rudeness? It’s Angelyn Campit, one of my bestfriends in school. Nag-OOJT siya dito sa clinic.
“Anong nangyari?” tanong ko.
“You tell me!” she demanded. “Paano mo napabitbit saiyo ang longtime crush mo? Aber?”
“Wah! Bitbit? Sakin? Crush?” gulat na reaksyon ko.
“Umayos ka nga! May one-word sentences ka pang nalalaman,” sita ni Ange sa iniaasal ko.
“Aish. So ano?”
“Anong so ano?”
“Kinunan mo ba ko?”
“Anong-?”
“I did!!!” Bigla na lang pumasok si Cheene Abonalla, isa pa bestfriends ko.
“Wah!! Cheene, I love you na!!”
“Ngayon lang?” pagpapacute nito.
“Dati pa no?” And we hugged. I heard Ange said ‘Ew!’ but I paid no attention to it. Instead, I still talked to Cheene. “Pero teka, bakit pala nasa labas ka?”
“Pinadevelop ko na!! Taraaann!!” She waved the pictures like a fan.
Isa lang ang sabay na nasabi namin ni Ange. “ANG DAMI!!!”
“Iyong totoo? Siya ba ang may crush?” tanong ko kay Ange.
“Geez. Ginawan na nga lang ng pabor, aangal pa. Ayaw mo?” Cheene suspensed as she proceeded raising the pictures in the air.
Loka-loka ang isang ito! Baka may pumasok at makita ang mga iyan! “Gusto!” I said as I leapt to grab the pictures. Yehey! Victory!
“Ay, so anong bago? Nagkausap na kayo ni fafa Zyren mo?” tanong ni Cheene.
“Oo!!” masayang sabi ko. Hindi naman siguro masamang magyabang tungkol doon diba? Ngayon lang naman.
BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.