25-WE MEET AGAIN

437 43 13
                                    

As promised to @iammokang, ito na ang update. Salamat sa inspiration friend. hehe. Motivated ako ngayon kahit nagkulong lang dito sa boarding house buong araw. Nag-ayos ako ng mga gamit para sa pag-uwi ko bukas. So obviously, ito ang parting chapter ko bago ako tuluyang magbakasyon. Next chaptie would be released pagbalik ko rito sa Naga. Charms to all readers of this story. I shall return. @.@

^.^

Si Marco-kababata niya. They used to live in the same subdivision pero lumipat ang pamilya nito sa Peñafrancia. Ganunpaman nanatili silang close hanggang maghighschool sa UNC. Matanda ito ng tatlong taon sa kanya pero may inulit itong ilang grado sa elementary kaya naging magkabatch na sila nung highschool. Naglalaro rin ito ng basketball noon sa UNC. Parang cheerleader ang role ni Niche rito nung malapit pa sila sa isa’t-isa.

Nagbago lang ang lahat nung patapos na sila ng highschool. Nag-confess ito sa kanya sa harap ng mga kaklase nila. Foundation week noon sa school nila kaya maraming tao. Sa harap mismo ng confession booth naganap ang kahiya-hiyang pangyayari.

Dala ng pagkabata at wala naman talaga siyang nararamdaman dito ay sinabi niya ang totoo rito, sa harap ng maraming tao, kung saan, nakita niya ang taong lagi niyang ipinagchicheer na umiyak. Hawak-hawak nito ang kamay niya at unti-unting lumuhod pero pinalis niya ang pagkakahawak nito at nagtatakbo.

Iniwasan niya ito ng maraming beses hanggang sa tuluyan siyang makorner nito at kinausap tungkol sa nangyari. Humingi siya ng tawad pero hindi nito iyon tinanggap. Dumating na lang ang mga araw na hindi na ito nagpapakita sa kanya, hanggang sa masanay siya.

 “Bakit para kang nakakita ng multo? Matagal na kitang gustong makita, only to know na dinidate mo pala ang pinsan ko.”

 “Don’t make it sound like I didn’t tell you that I like someone in Greyhounds.”

“But I bet hindi Gene ang pangalan ng lalakeng tinutukoy mo noon. Kilala ko na rin kasi siya, si Kayge Palmiano. Siya ang captain at siya rin ang naghatid sayo rito.”

How could this guy know everything? Gayong matagal itong hindi nagpakita sa kanya. Malapit nga lang ang NCF pero ni hindi nito naisipang bisitahin siya sa school.

She couldn’t say anything so he continued. “Hindi ko akalaing magiging manager ka ng UNC basketball team out of your infatuation.”

She raised a brow to what he said. Parang marami nga talagang alam ha.

“I never lost track of you Niche. Ikaw lang naman itong nagbago,” he appraised.

“Excuse me?” she querried in dismay.

“You never gave me a chance, that’s why I went away, but that doesn’t mean I stopped caring,” he said, in a thick voice to give emphasize his point. It sounded like a logical statement in Social Philosophy. Kinokonsensya ba siya nito?

“Sinabi ko lang sayo noon na walang patutunguhan ang feelings mo para sakin, pero hindi ko pinutol ang friendship natin,” she answered in the same tone. “I said I want to be just friends, and I thought you would consider but to no avail.”

Napailing ito bigla at pinaling ang tingin papunta sa ibang direksyon na parang tinurukan ng espada sa dibdib. Sariwa pa rin ang sakit sa kabila ng mahabang panahon.

This time ay parang may hinahanap ang mga mata nito sa loob ng hospital room niya. Ano bang iniisip nito? She knew he wouldn’t be as crazy as thinking to use any tool to threaten her to submit to his own interest or even hurt her if he won’t oblige and she would end up not being able to see her beloved Gene for the last breath. Whew! But his gaze kept roaming until it focused on a bunch of flowers.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon