Early update kasi malapit na akong umuwi samin. Baka matagal bago makapag-update ulit kaya ginawa ko ito para sa inyo guys. Minadali pero sana magustuhan niyo.. ^.^
Nang nasa labas na si Niche ng minitheater ay saka niya lang napansin na gabi na. Tumingin siya sa paligid. Wala roon ang hinahanap niya. Nagtext siya sandali sa dad niya na magagabihan siya ng uwi. Sent! Ayan pwede nang maextend ang stay niya rito. Nagulat pa siya ng may kamay na biglang dumampi sa likod ng kaliwang kamay niya.
Si Powee! Ang batang hinahanap niya. Nakasuot na ito ngayon ng makapal na sweater. “Ate, bakit po nasa labas ka?”
Sasabihin niya bang nag-alala siya rito. Baka naman kung ano pa ang isipin ng bata. “Ahm, tinext ko lang ang papa ko para magpaalam na dito muna ko.”
“Ah ganun po pala. Pasok na po tayo. Gusto kong marinig kumanta si kuya.”
“Si Gene? Kakanta siya?”
“Opo, request po naming iyon eh. Sabi niya ngayong birthday niya, kakanta siya. Siguradong hindi niya iyon nakalimutan.” Ang lawak ng ngiti nito pero para talagang may kakaiba. Parang hindi ito ganun ka-okay. “May problema po ba?” tanong nito sa kanya.
“Ah wala naman. Sige tara, pasok na ulit tayo.”
Humawak ito sa kamay niya habang papasok sila. Tapos na ang Forever Young at biglang sumigaw si Powee. “Kuya, isang kanta naman dyan mula sa birthday celebrant.”
“Ha? Oo nga pala nangako ako sa inyo, pero huwag na lang siguro kasi baka bumagyo,” pagadadahilan ni Gene pero nangulit ang mga bata. Hayy naku, like what she thought, puro lang ito dada. “O sige na nga, teka lang ha? Gusto ko may karamay eh haha.”
Todo tango lang ang mga bata rito na halatang excited. Excited sa boses nito? Hindi nga? Nagulat naman siya nang bigla siyang lapitan nito dala ang mic. “Can you sing with me?”
Anong sasabihin niya? “Yes ate, yes!!” demand ng mga bata sa kanya.
Hay ano pa nga ba? “Yes.” Pakasabi nun ay hindi ito nagsayang ng pagkakataon at hinila agad siya papunta sa stage. Tuwang-tuwa ang mga bata sa pagpayag niya. May sinabi si Gene sa operator sa right part ng stage na hindi niya masyadong naintindihan. Ang alam niya lang kinakabahan siya. Ni hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ayaw niyang mapahiya sa harap ng mga bata no!
Biglang sumara ang lahat ng ilaw, tapos biglang tumuon sa kanilang dalawa ang spotlight. Iyong mga bata? Nagsiupuan na sa baba ng stage. Sila naman ang performers ngayon. Kaya niya ba ito?
Nagsimula na ang music at nagsimula na ring kumanta si Gene. “Hmmn… Your love is in me in my life in every song that I sing..”
Pumalakpak agad si sister Mae. Tapete iyan! Oops sorry po papa God. Hindi niya naiwasang mapamura. Ang ganda kasi ng boses ni Gene. Hindi siya makapaniwalang may iba pa itong talent maliban sa kagalingan sa larong basketball. Astig? Astig. Hindi niya naman dati weakness ang lalakeng magaling kumanta pero parang ngayon oo na. Para kasi siyang inilulutang sa hangin ng mga himig ni Gene. Kaloka! Anong nangyayari sa kanya? Dati niyang kaaway tapos all of a sudden ito na ang therapeutic instrument niya tapos inspiring pa ang pagkanta nito!
“Whenever I cry, you’re there by my side, and you showed me the way…”
Tang na lychee! Meron ba nun? Hay ewan. Bakit parang siya ang pinatutungkulan ng kanta? Nananadya ba itong si Gene? O baka naman sadyang tinamaan lang siya sa kanta? Kung oo, grabe eh. Sapul na sapul siya. Sagad hanggang buto ang tama sa kanya nun. Paano ba naman kasi?

BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.