He was hoping he could find her in the room but she’s not here. Where is Niche?
Nagulat si Gene pag-upo niya sa desk niya. “Cake?” May isang malaking Goldilocks Chocolate Cake. “Kanino naman kaya galing to?”
Lumabas siya ng room at tiningnan kung may tao man sa corridor.
Meron nga.
“Hey bro! Musta ang birthday natin dyan?” tanong agad ni Pam.
Ang teammates niya. Tss. Saka naman dumating ang mga asungot na ito.
“Kahapon pa kaya iyon.”
“Oo nga eh, andaya mo. Hindi mo man lang kami ininvite. Kumusta pagcelebrate?” tanong naman ni Jeev.
“Nothing really special.” Nag-angat pa siya ng balikat. Kung alam lang nila. But he couldn’t risk to make things awkward for Niche sa team. Baka maging trending pa sila sa asaran ng mga ito.
“Ows? Ui teka, sino nagbigay nyan sayo?” pang-uusisa ni Zyren. Napansin nito ang cake na hawak niya. Dapat pala kanina niya pa ito itinago. Naman Gene, gamitin din ang utak pag may time.
“Uiii, may chicks na nagbigay sa kanya!! Aminin!!” pagsusulsol ni Harold. Ano pa nga bang bago? He’s so used to receiving gifts from random girls in school.
Sana nga ganun. Pero hindi eh. Iba ang kutob niya sa nagbigay nito. “Ni hindi ko nga alam kung kanino galing ito.”
“Edi amin na lang,” sabi ni Pam. Sinabi niya bang ayaw niya sa natanggap niyang regalo? Tss. Hutaena talaga sa kulit ang mga kalaro niya sa basketball. Walang sinabi ang Tom and Jerry. Taob din sina Mr. Bean at Vice Ganda.
But he has to stay calm. Alang-alang sa chocolate cake. “No, I have to know who gave this.”
“Gusto mo pang alamin namin tsong?” sabad ni Jeev.
“Naman dude, sabi lang kung ayaw mo,” tuya ni Harold.
“Oo nga naman. Amin na lang kasi iyan. Ni hindi mo nga kami naabisuhan kahapon diba?” kunyaring pangongonsensya ni Zyren.
“Will you please stop?” Oo na, kuripot siya. Pero kailangan niya talagang makausap ang nagbigay nito. “First time kong makarecieve ng gift na walang card o kahit anong makakapagdetermine kung sino ang sender.”
“So you’re suspecting that this is different from the other fan girls?” Sa wakas, nag-isip din si Pam.
“Exactly,” mariing tugon niya.
“Kunsabagay, kung ibang babae yan, ipangangalandakan agad sayo kung sino sila. Hmm, sino naman kaya ang magbibigay niya sayo after ng birthday mo?” Now Jeev is thinking as well.
“I think I have a clue,” sabi niya.
“Huuu! Baka naman bagong pakulo lang iyan ng fans club mo tol. Di kaya?”
Napailing siya at hindi na nagsalita pa. Sa tingin niya ay hindi naman.
Isang tao lang naman ang nakabanggit ng dalawang salita na bumubuo sa chocolate cake kahapon. And hopefully ay tama ang hinala niya.
Takangtaka na nakatingin sa kanya ang mga ka-myembro nya sa Greyhounds.
“Gene, ang weirdo mo ata ngayon,” puna ni Zyren.
BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.